Launchorasince 2014
← Stories

⁴⁰ Living Heroes (Mga Buhay na Bayani)

This is piece is written for the recognition of today's heroes and is offered for all of you.

LIVING HEROES

I am a competent and honest educator
who consummate my duty as a teacher.
Second parent of children whose
naughty or impudent in words.
I love and help them in my own extent;
with patience, perseverance in everyway.
I did overtime without pay if needed,
for the students and for the nation.
I am a good tax payer
who smiles even heat consumes his/her energy.

I am a hero.
I will continually helping people
and those citizens who are willing to learn no matter what their social class are;
even children who took the mistaken path.
Those children with different
localities or cultures,
I promise to accommodate them
with my freewill of hardship and sacrifice.

Maybe, I'm far from my love ones.
I may living in my country or in other nation
but my heart and those teachers around the globe are united.

🌺🌺🌺🌺🌺🍀🍀🍀🍀🍀

Isang pagkilala para sa mga bayani ng kasalukuyan. Iniaalay ng manunula ang tulang ito para sa inyo.

BUHAY NA BAYANI

Isa akong mahusay at tapat na guro.
Tumutupad sa aking tungkuling magturo.
Pangalawang magulang ng mga batang
makukulit o minsan’y walang galang sa salita.

Minamahal at tinutulungan ko sila sa abot ng aking makakaya;
nagpapasensya, nagtitiyaga ng buong laya.
Nag-o-overtime ng walang bayad kung kinakailangan
para sa mga estudyante at para sa bayan.
Masunurin sa pagbabayad ng buwis.
Nakangiti pa rin kahit tumutulo na ang pawis.

Ako’y isang bayani
patuloy na tinutulungan ang marami.
Mga mamamayang sinisikap matuto anuman ang kanilang estado.

Kahit na mga batang naligaw ng landas at nakapiit ng may kandado.
Iba-iba man sila,
anumang pinanggalingan o kulturang kinabibilangan.
Ako’y nakikibagay kung kinakailangan.
Masaya akong nakatutulong sa kanila
kahit anong hirap at pangungulila
aking nadarama sa pagkalayo ko sa aking pamilya.
Narito man ako sa bansang sinilangan o nasa ibang bansa.
Puso naming mga guro’y nagkakaisa.