Launchorasince 2014
← Stories

MACAroni Salad

Sa cream na kay puti’t makinis, tulad ng kutis mong walang daplis

Dinagdagan pa ng holidays na napaka-tamis, gaya ng ngiti mong kanais-nais

Isama mo na ang macaroni,

Dahil ikaw naman aking one and only.


Paano ka naman makakagawa ng isang macaroni salad

Kung palagi kang may lakad

Kailangan mo munang matutong magluto

Upang wala ka ng iba pang mauto tulad kong matagal mo nang nauto

Una, kailangan mo munang pakuluan ang macaroni

Upang lumambot ito’t dumami

Sapat na upang punan, ang sakit at poot na iyong dinulot

Dahil simula nung akoy nahulog, ni hindi mo nga ako sinalo’t hinablot

Na rumesulta sa pagiging assuming kong hanggang langit ang abot

O baka naman lumampas na sa ozone layer at hindi mo na kaayang maabot


Sunod, ang paglagay ng cream, tulad ng puso kong silent mode ang pag-scream

Dahil sa bawat dream, ikaw ang aking palaging ka-love team

ayaw mo bang maging Daniel padilla sa ating mala-KathNiel na pelikula?

Pelikulang ako lang ang nakakaalam at hanggang panaginip lang pala.


Ikatlo, ilagay mo na ang matatamis na prutas

Gusto ko kasing magkaroon ng lakas

Na labanan ang mga asungot na nasa paligid

Na walang humpay ang pag-aaligid

Ba’t ba kasi napaka-attractive mo?

Na attract mo tuloy ang mga pesteng langaw na nagpapa-pansin sayo.


Sa huling bahagi, kailangan mo na itong palamigin

Upang masarap na itong kainin

Tulad ng feelings kong mahirap man aminin,

Pero kaya ko itong lunukin dahil ayaw ko namang mawala ka sa akin

Dahil sa bawat pagreceive at paghampas mo sa bola

Huwag mo na ring ihampas ang feelings kong ginawa mo na ngang basura, ipapasa mo pa sa iba

Pasalamat ka nga na ginawan kita nito eh,

Masarap na nga, worth it pa.


Sana po ay marami kayong natutunan sa paggawa ng macaroni salad

Ang salad ng mga naghahangad na maging mapalad

Dahil sa pag-ibig, marami man ang mapalad, marami rin naman ang sawimpalad

Pero mas mapalad ang mga sawimpalad, dahil mas napalapit sila sa Diyos at natuto na,

At hindi na nila kailangang mag-aalinlangan pa

Tandaang palaging gamitin ang utak upang hindi luha ang pumatak

Sa puso mong pagod na sa kaiiyak.