May short poem ako,
Dati masaya ang bawat linyang para sa'yo
Pero ngayon pagtatapos ay kelngan na
Di ko 'to gusto, maniwala ka mahal ko
Eto ako tatalikod na
Mahirap pero kelngan
Kasi 'yun ang iyong hiling
Ang bumitaw na sa tadhana natin
Para mahanap mo ng tuluyan
Ang dating ikaw nung tayo'y nagmamahalan
Kung pano ito'y nawala di ko malaman
May short poem ako
Pero parang hindi totoo
Gusto ko nga bang tapusin na?
O pinapahaba ko pa?
Yung poem o ang pagtalikod ko?
Di ko din sigurado
Pero para sana andto pa ko
Magbago man ang isip mo.
May short poem ako
Maikli lang na parang tayo
Eto ako ngayon tatalikod na
Para tuluyan ng kalimutang mahal na mahal kita.
Magmamakaawa pa sana
Pero maikli lang talaga
Ang binigay ng ating tadhana
Pipilitin ko pa sana
Pero kelangan masaya ka
Sa desisyon mong ako pa rin talaga
Na buo ang puso at kaluluwa
Pero wala na yata talaga
Kaya paalam, pasensya na.