launchora_img

Illustration by @_ximena.arias

Makata

Info

Makata

Isang taong nilikha rin ng Diyos

Isang taong humihinga, kumakain, humahanga, nagmamahal

Kami ay tao rin, kung tutuusin

Kung tutuusin, kami ay tao rin

Kung iyong titignan nang mabuti, kami rin ay mga taong sagap ng sistema, mga taong pagod na rin sa buhay, mga taong sawa na sa gulo, lagim, kalungkutan, sakit.

Kami rin ay mga taong nais magbago ang lahat pero walang magawa sa sistemang nakapulupot sa amin

Kami ay gumigising ng pagod, natutulog ng pagod, naglalakad ng pagod, nabubuhay ng pagod

Kaya, aking itatanong sayo, bakit?


Bakit mo pilit tapusin ang buhay na ang ibang tao ay dadaanan ang ilang tribulasyon para makamit?

Bakit kakaunting pasakit lang ng buhay ay gusto na agad sumuko?

Bakit sa kalagitnaan ng lagim ka susuko?

Bakit kung kailan masalimuot na ang pait ng buhay ay tsaka ka babalik sa Maykapal na nandyan lang at naghihitay na makasama ka sa presensya niya?

Bakit mo nais mahawakan ang kutsilyo ni inay sa kusina?

Bakit sa tuwing uuwi ng bahay, deretso lang sa kwarto, plakda sa kama?

Bakit ang mga gamot sa bahay ay pinagdidiskitahang lamunin at sa dulo ay ambulansya?

Bakit, matapos ng ilang paghiwa sa balat ay hindi parin umiigi ang sitwasyon na pilit mong tinatakasan?

Bakit, kapatid, bakit sa tingin mo ang pagsuko ang susi sa kasiyahan?


Bakit?


Kasi hindi ka makata


Kami ay tao rin

Napapagod, nalulungkot, sumasaya, humahanga, nagmamahal

Sa paglipas ng panahon, buhay man ay saksakang hirap ang lagusan

Kami ay mabubuhay

Tao rin kami

May hangganan, may pagdurusa, may sakripisyo, may gusto, may ayaw, may emosyon, may takot, may pananampalataya, may pinaniniwalaan, may opinyon, may isip

May buhay

Tao rin kami

Meron din kaming dapat ipaglaban, meron din kaming dapat pabayaan, meron din kaming dapat ibigay sa mga taong mas kailangan

Kami rin ay bumabagsak, sinasampal ng tadhana, pinaglalaruan ng kapalaran, sinusuntok ng buhay

Kami rin ay pilit gumagapang patungo sa pampang na ang pangako ay paraiso

Ang mga makata rin ay lumuluha, tumatangis, humahalakhak, humahagulgol, kinakabahan, natatakot

Dahil tao rin kami

Tao lang din kami


Pero bakit?

Bakit sa tuwing kami ay daranas ng mga pasakit ng buhay ay kaya paring ngumiti?

Bakit sa tuwing dadayo ang kalungkutan ay kaya parin naming sumaya at magbahagi?

Bakit kung kailan masakit ng mabuhay ay tsaka kami lumilipad?

Bakit kung kailan dapat sumuko na ay kami ay tuloy parin sa laban?

Bakit nais naming lumigaya kahit ang tadhana ay salungat?

Bakit sa gitna ng delubyo, sa Maykapal kami aakyat?

Bakit ang buhay namin ay parang paraiso kung sa buhay mo ay ihahalintulad?

Bakit pagdating sa dulo ay kaya naming tiisin ang pait at mga tinamong sugat?

Bakit, kapatid, bakit sa tingin mo ay patuloy kaming lumalaban at nagsisikap?


Kasi makata kami


Kapatid, sa buhay ay hindi mauubos ang pait

Hindi matatapos ang sakit

Hindi mababawi ang pagkakamali

Hindi maiiwasan ang hapdi

Hindi mababawasan ang problema

Hindi mapapagod ang buhay, tadhana at kapalaran sa atin

Wala kang magagawa sa kung anong pilit ibinabato sayo ng buhay

Wala tayong magagawa kundi pumilipit sa kama tuwing gabi, iniisip kung magpapatuloy pa ng isang araw na walang ibang pangyayari kundi puro pagkabigo

Wala tayong ibang pagpipilian kundi ang bumangon sa umaga para mabuhay pa ng isang araw

Unti-unti

Dahan-dahan

Sama-sama tayong makakarating sa huling hantungan

Dahil tao tayo


Dahil tao ka

Hindi dahilan para magmukmok at maghimutok dahil hindi makatarungan ang buhay

Dahil, kapatid, hindi talaga

Ang buhay ay mapait, mahirap

Oo, mahirap mabuhay

Mahirap huminga ng paulit-ulit, paunti-unti

Mahirap maghintay

Mahirap maging tao

Mahirap tumayo, maglakad, mag-isip

Mahirap magtrabaho

Mahirap mag-aral

Mahirap kung pauilit-ulit

Mahirap tuparin ang mga pangarap

Mahirap lumaban kung alam mong talo ka

Mahirap magpakatotoo

Mahirap magmahal

Mahirap masaktan

Mahirap maging tao, kapatid


Pero, rason ba ito para tumigil?

Rason ba ito para sumuko?

Dahilan ba ito para tuluyang isaksak ang kutsilyo sa iyong puso?


Kapatid, dinggin mo ang payo ng isang makata


Oo, makata ako

Tao din ako

Nahihirapan ako, napapagod ako, nagsasawa ako, nagkakamali ako, natatakot ako, nabibigo ako

At ang pinakamasakit sa lahat, nabubuhay ako

Pero, sa gitna ng lahat, bakit ako nandito?

Bakit ako tumutula sa iyo?

Bakit patuloy parin akong nabubuhay?

Bakit, kahit pagod na, nandito pa rin ako?


Kasi makata ako


Alam ko na ang buhay ay mapait at mahirap

Alam ko na hindi ito ang rason para mawalan ng gana

Alam ko na dapat akong lumaban

Alam ko kung paano makita ang ganda sa mga pagdurusa

Alam ko ang pasikot-sikot na daan patungo sa kasiyahan

Alam ko kung paano mangarap

Alam ko kung bakit tayo namomoroblema

Alam ko na natural ang mapagod, masaktan, mabigo

Alam ko kung paano tumayo sa aking mga paa

Alam ko kung bakit ako lumalaban

Alam ko kung paano magsalita

Alam ko kung paano ako maririnig

Alam ko na ang buhay ay maikli at dapat itong tamasahin

Alam kong sa bawat araw na ako ay mabubuhay ay dapat ako ay magpasalamat

Alam ko na kahit sa gitna ng delubyo, mayroon paring pag-asa


Alam ko kung paano mabuhay, kapatid


Ikaw, makata ka ba?


----------------------------------------------

As you can see, this is a spoken poetry manuscript. If you ever want to perform this, just message me and ask for my permission and be sure to message me the link of the video! Don't forget to acknowledge me. :)

-Exequinne


Be the first to recommend this story!
launchora_img
More stories by Sofiya
Out in The Cold Night

Death through a point of view of a child.

01
Journey to the Stars

Will you take this journey?

11
Broken Exclamations

It's raining and it's falling. What do you do? "I write because..."

10

Stay connected to your stories

Makata

22 Launches

Part of the Musings collection

Published on November 07, 2018

Recommended By

(0)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.