photo by Jon Tyson
cloud iridescence, 5:30 sa Luzon
inakalang makakatakas na sa alaala mo
nakatitig sa langit, tulala, nawawala
sa sarili
binabalot paunti-unti
ng bahagharing tinunaw sa nipis ng aking balat
di marinig ang sigaw
ipipilit ang hiyaw
dahil iniwan na naman
naubos na ang laman ng cabinet
kasusunog ng mga damit
mga litrato, mga sakit mula sa mga sulat na nanatili
sa kama kong punit punit na dulot ng galit
na nanuot hanggang sa kaluluwang nilusaw ng nakaraang di
mabitaw-bitawan
ewan
lumayo ka lang bigla
walang pagkakataon maabot, madala
pabalik sa pag ibig, sinta
malayo na
wala na
ako na lang ang nakakulong sa alalala natin
tulala, nawawala sa kalawakang bulag
kitang kita ang
cloud iridescence,
5:31 sa
Luzon, Maynila
- malaya na tayo
03.03.20