Launchorasince 2014
← Stories

Masakit

Katulad mo rin ba ako?

Tahimik.

Mahiyain.

Sabihin na nating introvert.


Kakagaling ko lang sa-- sabihin na nating reunion naming magkabarkada sa samgyupmasarap. Busog at nasa Good Mood. Saktong ulam din namin ay inihaw na baboy. Ako na galing sa samgyupsal nagvolunteer na ako ang magihaw. Pinaayos ko sa kapatid ko yung uling sa ilalim dahil nagbabaga na yung nilulutuan namin pero hindi namin tinatanggal yung baboy syempre nakita niya iyon at nagalit. Sinigawan kami, sinabihan na, "Iyan na nga lang ang trabahuin nyo eh di nyo pa inaayos." Sinabi nya pa iyon sa kapitbahay nya. Siya na ang nagasikaso kami nanahimik na lang. 


Habang may iba pa syang sinasabi samin na nakakababa talaga ng self-esteem nagwala ako at humagulgol ng iyak, hindi ko kinaya ang stress at napaluhod na lang sa sahig at tinakpan ang dalawang mata. Pinukpok ang lamesa at binagsak, ang sakit sa kalooban lahat ng sinabi nya, hindi ko yun matake as motivation. Nagpapasalamat ako dahil naibigay nyo samin ang gusto namin pero hindi ko na talaga kinaya. 


Iyon ang pumasok sa isip ko pero hindi ko kayang gawin ang mga bagay na iyon, hindi ko kayang ilabas lahat ng sama ng loob ko kaya naman naidaan ko sa luha. Laking pasalamat ko't may usok kaya may excuse ako kung bakit ako naiyak. Wala akong kasanayan sa pagiihaw sa uling kaya naman gusto kong matuto.


Dahil sa personality  kong  iyan hindi ko alam kung paano sabihin o iexpress ng maayos ang nararamdaman ko. Kaya sa tuwing napapagalitan o nasisigawan naiisip kong ihagis ang hawak ko at umiyak na lang ng malakas para maramdaman naman nyang hindi kaya ng puso ko at hindi ko siya katulad na malakas ang loob. Pupwede naman sigurong sabihin ng mahinahon ang mga dapat gawin. Ginawa nga namin pero siguro hindi lang sya satisfied.


Nabasa ko noon na kapag umiyak ka kasi nakagawa ka ng kasalanan sa magulang mo ay isa ka pa ring mabuting anak. Hindi ko alam kung ako ba.