mahal isinulat ko ang tulang ito para ako'y iyong malimutan
mahal naalala ko pa yung mga panahong kumakain tayo ng sabay, naglalabingan sa isang upuan kung saan ako'y minahal mo ng tunay
mahal naalala ko pa yung mga panahong kailangan kita at kailangan mo rin ako sa mga panahong tayo'y naghihirap
mahal naalala ko pa yung mga panahong sabay tayong umuwi
pero di ko mawari na sa isang iglap lang bigla na lang nagbago ang ihip ng iyong pagmamahal, na masyado ng matagal, kung saan ako'y nagmumukha ng tanga sa iyong harapan
mga pang aalipusta ng mga sabi sabi sa tabi tabi ay di maiwasan marinig tungkol sa'yo mahal, ako'y labis na nalulungkot na "mahal ganito pala ang totoo mong kulay"
teka mali! mali!
bakit tinatawag pa kitang mahal? 'eh kung ang nais mo lamang ay gamitin ang aking pagmamahal?
mahal! bakit di ko maiwasang iwasan ang iyong pagmamahal na kahit alam kong ito ay 'di totoo
mahal! bakit di ko iwasan na umiyak sa ilalim ng aking mga unan
mahal! bakit di ko maiwasan na matulala sa aking kwarto sa tuwing maalala ko ang mga matatamis nating mga sandali
mahal! sa oras na ito hindi ko makalimutan ang mga matatamis mo'ng mga ngiti?
babalik ako sa aking mga katanungan, mahal, totoo ba ang iyong pagmamahal o ginagamit mo lang ako?
mahal, sa oras na ito natuto na ko'ng umiwas sa mga kataga mong matatamis kase napapansin ko na masyado na tayong naglolokohan
sobra na ang sakit na aking nararamdaman, sa mga puso ko'ng pinagkaitan ng pagmamahal, sa mga puso ko'ng sugatan, at sa puso ko'ng nahulog sa iyong mga patibong
'di ko mawari kung bakit tuloy ang paglapit mo sa'kin
'eto na ba ang dulo? at oras na nga ba na sabihin ko na "mahal, hanggang dito na lang"
ito na ang oras para sunugin natin ang mga larawan na nilikha ng ating storya, uubusin ko lahat ng mga alaala na posibleng makasugat sa aking mga puso at ito ay aking susunugin upang di na muling maalala pa
mahal, ang dating TAYO ay sobrang sigla, pero ngayon ang TAYO ay natutuyo na ng panahaon at dapat ng makalimutan
mahal, gusto ko ng maging malaya sa mga rehas na masyado na akong 'di makahinga
gusto ko pumunta at isigaw sa pinaka mataas na lugar sa mundo na "mahal ayoko na! mahal ayoko ng maloko! mahal gusto ko ng makalimot!"
mahal, patawad, kung ako'y nagmukhang tanga sa iyong harapan
patawad, patawad kung ako'y naging manhid na sa katotohanan
patawad, patawad kung ako ay bumitaw na sa iyong mga kamay
patawad, patawad, patawad
patawad, kase ako ay muling babangon at magsisimula na sa bagong yugto
at para sa huli ng aking tula mahal, patawad, kase gusto ko na lang gumising sa isang araw na punong puno ng saya at ika'y lubos ng makalimutan na at di na muling babalikan pa