Bago ang lahat, intruduction muna
Ako nga pala si Tanga, ang inyong manunulat
Kung magmahal ako'y wagas na wagas
Ngunit sa kanyang pagmamahal ay salat na salat!
Alam niyo kung minsan
Gusto ko nalang siyang sabunutan!
Alam niyo kung bakit?
Wala papansin lang..
Tapos merong time na nagpagawa siya saken ng proyekto
Aba, tingnan mo nga naman!
Mas maganda pa ang proyekto niya sa proyekto ko!
At ang masaklap, di man lang siya nagpa-thank you!!
Tapos nung nag text ako sa kanya
Hindi talaga siya nagrereply!
Sabi ko nga eh na sana...
Makatanggap ako ng isang "hi"
"Sorry Wala akong load"
Kanyang sabi ng aking tinawagan..
Pero, Hi! Ako nga pala si Tanga!
Agad ko naman siyang pinaloadan!
At sa tuwing nagqu-quiz
Ako'y sumasaya
Dahil lumalapit siya saken
Upang mang hingi ng papel na susulatan niya!
Pero nawawala galit ko sa pagtingin ko sa kanya
Ako kasi'y talagang naaaliw!
Dahil sa mala-anghel niyang mukhang
Nakakabaliw!
At kung minsan Ako'y nag-iilusyon
Na kunwari sinasabihan niya ako ng mga punchline
Na mas lalong makakaturn-on!!
Hay, alam niyo...
Ayos lang kung hindi niyo magustuhan itong tula
Nagmamahal eh..
Ang sa akin lang
Sana hindi niya ito makita!!!