Launchorasince 2014
← Stories

No Chance for Us

Baka nga hanggang dito na lang tayo? Paano?

It started last year, kung saan hindi naman talaga ako yung gusto mo, it was one of my friend. Hindi ka rin naman namin magiging kaibigan kung hindi ka nagkagusto sa kanya. There our friendship started. Lagi ka naming inaasar sa kanya dahil sa sobrang mahiyain mo, torpe ka pa. We pushed you towards her para naman lumakas yung loob mo at masabi na sa kanya lahat ng nararamdaman mo, para mas sigurado ka.

I'm too talkative, too noisy, naughty and one of the bullies sa barkada natin, yung ang kulit ko na at ang lakas ko mantrip na nakikisabay sa mga lalaki. Ewan ko, lagi tayong nag-uusap, ewan pero parang nagiging mas close tayo kesa sa iba. Nag-uusap na tayo online and syempre sa personal, then our friendship started to get deeper na even some small serious thing eh nasasabi mo na agad-agad. We even talk about her and nasasabi mo na wala ka ng feelings sa kanya. Hindi ako naniniwala, ang hirap paniwalaan. Saka ang daling humiram ng gamit sa atin, I often borrow your phone and you borrow mine, pero hindi mo alam na lagi kong nilalagay sa "Secret Conversation" yung mga ayaw kong ipabasa.

I started asking my friends kasi sabi mo may bago na. I was too curious about that girl, kasi ang swerte na niya sa'yo. You're so serious when you fell in love and you put a lot of efforts para lang sa kanya. My friends told me that I know who she is but I still have no idea.

Weeks passed, months passed. We didn't go for any sweet talks kasi walang talo-talo. Pero one night, umamin ka, sinabi mo na gusto mo ako, binawi mo pero pinanindigan mo yung sinabi mong ako, nagtanong ka pa nga "Busted na ba ako?" Alam mong hindi ako sumagot ng oo o hindi, ang sagot ko "Sorry." Naglaho lahat, yung closeness at saka yung friendship natin na akala ko ay hindi mawawala.

SInubukan kong kausapin ka, pansinin ka, pero ikaw yung umiiwas. Sinusubukan kong ibalik sa dati, pero syempre ang hirap kaya siguro umayaw na rin ako. 

Pero bumalik ka, hindi ko alam paano. Yung friendship natin but not that close, hindi tulad nung dati. It's like a second chance kasi nung nawala ka parang dun ko lang naramdaman na may gusto ako sa'yo pero dahil hindi mo ako pinapansin, nawala rin yung feelings ko, nung bumalik ka, sinubukan kong pigilan pero wala, bumalik din yung nararamdaman ko. There, I showed what I really feel. I showed how happy I am whenever you're there. Kahit sa chat kung napansin mo. Pero tangina kasi ayan ka na naman, torpe, hindi nagsasabi. Bigla na lang nawawala. Bakit? Anong meron?

Sinabi ko sa sarili ko, one last chance and I'll give you a chance. My friends pushed you na umamin ka na, i-mention mo raw kung talaga. Andun din ako para makigulo at i-push ka sa isa nating kaibigan which is medyo may kirot sa akin tangina HAHAHAHAHASAKITHAHAHA. Minention mo ako, yung dalawang account ko pa, which made me happy kasi mas sure na ako. Pinilit ka pa nila na i-chat mo raw a huwag kang torpe. I received a message from you, pero mismong pagkatanggap ko nung message mo, naguluhan ako. Waa na kasi yung nararamdaman ko, hindi na kita gusto. Ang labo ko man pero wala na talaga, sigurado na ako. Mas gumaan yung loob ko na after 2 days hindi ka na ulit nagchat. Ayoko naman na paasahin ka, ayokong masaktan na naman kita. Hiling ko lang mawala na rin yung nararamdaman mo, ayaw kitang makitang nahihirapan o nasasaktan dahil sa katulad ko. 

Baka nga hanggang magkaibigan na lang tayo. Huwag na nating subukan na mas palalimin pa kung tayo lang din naman ang mahihirapan.