Launchorasince 2014
← Stories

Oras na para kalimutan mo siya

anong oras na ba?
tanong nang aking katabi,
naalimpungatan ako mula sa aking pagtatanaw sa kawalan
na animoy mundong punong puno ng kasiyahan
anong oras na ba?
patuloy niya akong kinukulit,
nalimot ko ngat hindi ko siya nasagot
"kadarating pa lang ng ating titser, bat mo ba natanong?"
"nagmamadali kasi akong umuwi"

bakit kay hilig nating magmadali?
bakit hindi natin namnamin ang bawat sandali?
kagaya nang iyong pagmamadaling umuwi,
na sa isang oras tayo pay nangangalahati.
ni hindi ko alam kung ano ang dahilan,
nakakasawa ba ako kung titigan o samahan?
may mali ba sa aking damit?
may kulang ba sa akin?
o baka may nagawa akong mali.
"siguro'y hindi ayos ang iyong pakiramdam"
di ko ako dapat mag isip ng iba at magdamdam.

"anong oras na nga bat wala ka pa?"
alas 3 emedya ang usapat alas kuwatro na
siguro natrapik ka lang,
at walang jeep na napadaan
kaya maghihintay ako
sinubukan kitang tawagan ngunit ayaw mo ring sagutin,
marahil ay maingay sa iyong paligid at di mo lang napansin
kaya maghihintay ako at hindi maiinip
maghihintay ako
at sa iyong pagdating ako ay ngingiti
"darating siya, paparating na siya"

anong oras na ba't naalala ulit kita?
bandang alas 7 nang gabi
ika limang daan at pito't isang araw sana nating pagsasama
"kaya pala",
nilulunod na naman ako nang sarili kong luha,
tinatangay ng kalawakang hindi ko nakikita
ngunit masaya, kahit punong puno ng lungkot
masaya dahil hindi ako ngumingiti,
masaya dahil ako'y umiiyak,
masaya dahil malayo ako sa pagtawa,
masaya dahil akoy malungkot
masaya dahil nagiging totoo ako,
masaya dahil walang galaw ang pinepeke ko.
masaya, sapagkat akoy malaya,
malayo sa araw araw na pagpapanggap

anong oras na ba?
hating gabi't tulog na ang lahat
humihilik pati mga uwak.
kay tahimik na ma't kaysarap namnamin ang bawat minuto at segundo
kahit nag iisa, kahit wala ka.
nasanay na ako sa ganito, sa tahimik at madilim
nasanay na akong magpuyat at lahat,
ngunit itong puso koy di pa rin paaawat,
nahihirapan pa rin ng wala ka,
hinahanap pa rin kita sa iba.
anong oras ko pa nga ba matatanggap?
anong oras pa nga ba ako masasanay?
siguro't hindi sa ngayon.

bukas ay akoy magigising,
saktong alas sais nang umaga,
sisinag muli ang araw,
titilaok ang manok
tanda ng mga panibagong oras, aking mahal
oras nang aking pagalala sa iyo't pagmamahal.