Launchorasince 2014
← Stories

"pag-tagpo"

sa unang kita sa taglay mong ganda di ko akalain na ako ay mabibighani nang nalaman ko ang pangalan mo tila bang huminto ng 1 minuto ang mundo ko

pangalan mo ang hinahanap ko sa pagpasok araw araw, kagandahan mo ang aking nais kitain.

marami ka mang ginagawa, hindi naman ito humahadlang at minsan naman ito ay humahadlang. Sa pag kita nating dalawa, padaan-daan sa mga bintanang naka harang at humahadlang

ikaw at ako ay malabong magkita sa kadahilanang may humahadlang ikaw at ako ay hindi magkakitaan dahil sa mga pagsubok na dumadaan

mga gawain mo ay tila humahadlang sa ating pagkikita na para bang ayaw na ng tadhana pagtagpuin tayo 

pero naniniwala ako na sa tamang panahon tayo ay magtatagpong muli

tadhana nga naman! ako at ikaw ay hindi masisi ang tadhana sa pagtatagpo nating dalawa at sa sobrang nais na makita ka, pagod ay nadarama at sa oras na makita ka, pagod ko'y napapawi sa taglay mong kagandahan

sa aking pagnanais sa pag abot ng pangarap. pangarap ay mas lalong naabot, magkahiwalay na mundo: ako sa itaas, ikaw sa ibaba ang pagkatuwa sa pagtagpo sayo ay mababa minsan sa isang silid na kung saan pag abot sa pangarap ay tinutuklas pag titig sa bintana ay di maiwasan ako ay napapaisip, natutulala, naguguluhan sa mga katanungan sa aking isipan

pagtanong sa ere ang madalas na ginagawa kung ano na nga ba ang ginagawa mo at minsan pag titig at pagtanong sa ere ay madalas na negatibong katanungan na paano kung ikaw at ako ay malabong maging tayo

pang aasar ng iba ay minsan na ring iniiwasan

 paghanga man sayo ay may katapusan at kung ikaw at ako ay malabong magaging. tayo tandaan mo, meron at meron pa ring humahanga sayo at sa oras na to paghanga sayo ay walang katapusan

Your work is your legacy.
Protect it with NAK-ID.

Free to start. Takes two minutes. Lasts forever.

Start for Free →

Free account · No credit card required