Launchorasince 2014
← Stories

Palalayain mo na ba?

Sa bawat araw na ginawa ng diyos,
hindi ka nakalimot na unahin
ang ikasasaya at magbibigay
ngiti sa aking mga labi.

Sa bawat araw na lumipas,
pinupuno mo ng mga bulaklak
ang aking pusong pagal
at puno ng sakit.

Sa ilalim ng liwanag ng buwan,
tanging mga mata ko lamang
ang iyong nakikitang
kumikinang nang marikit.

Sa bawat buwan nating pagsasama
tila ba nagbabago na.
Mga pangako mo'y unti-unting
nabaon sa limot, na pako na.

Lumipas ang dalawang taon
tila ba'y pareho na tayong nasira.
Paulit ulit mo paring sinasabing
gagawin mo ang lahat ako lamang ay sumaya

Ngunit bakit humantong tayo
sa dulo kung saang mga sarili nati'y
nawawala't nauupos na.
Saang banda na nga ba ang saya?

At ngayong tayo'y naghiwalay na,
pinipilit mong suyuin
ang puso kong nasira't na pagod na
sa mga tampuhan at sakit natin

Pinipilit mong maibalik
ang dati nating sigla
ang dati ngiti at saya
na tila ba walang na bago pa.

Pero may mga bagay na mahirap maibalik
lalo na't ilang beses na natin sinubukan na
buohin ang mga basag na parte at
subuking hanapin mga nawawalang ngiti.

Sinubukan nating ibalik sa dati
ng paulit ulit ang dati nating mundo
mundong puno ng liwanag ng araw
at ngiti ng mga bulaklak.

At ngayo'y sasabihin mo sa isang pagkakataon
ay gagawin mo ang lahat upang ako ay sumaya.
Kung ibang tao na ang magpapasaya sakin,
Palalayain mo na ba?