Di ko alam kung pano ko sisimulan tong tulang ito,
Pero pangako tatapusin ko ito sa abot ng aking makakaya
Palihim, ito yung feeling na masasaktan ka ng Malala
feeling, ang pagiging pilingero ko’y walang hanggan, pag mamahal sayo’y tapat, hanggang sa dulo ng walang hanggan
pagseselos ay tila napapadalas, kung saan ang pagsisikap ko’y waldas, na tila sariling oras at pagod ay nagkaroon ng wakas,
bago buksan ang libro kung saan nakasulat ang iyong istorya at ang mga madadaanang pahina kung saan nakaukit ang mga hapdi at sakit na nanatili sa puso mo. gusto ko lang sabihin sayo ng palihim na mahal, mahal kita
Masakit sa aking kalooban na ika’y nakikitang nasasaktan
Nasasaktang hindi ko dapat Makita sa iyong mga mukha
Hindi maipinta ang mga emosiyon, buhat ay sakit na nararamdaman
Pag hangga ay di na rin kayang ilihim pa,
Kaya ako’y hindi na nag paligoy-ligoy pa sapagkat nararamdan ko sayo’y iba
Pagkakaibigan natin ay walang katulad, sa mga panahong naghihirap
Ang aking paglilihim ay dapat manatili, ako ay nasasaktan sapagkat ayokong Makita na may tumutulong luha na dumadaloy sa iyong mga mata
Pagmamahal na palihim ay dapat manatili, sapagkat ayoko masira ang ating relasyon
Bagamat ang nararamdaman sayo’y ubos na
Ngunit aruga at pagmamahal sayo’y hindi maubos
Pagmamahal ay dapat manatili, kahit na ako’y nasasakal, sapagkat ayoko na ikaw ay masaktan
Narito ako, gumawa ng isang tula, kung saan buhay ko’y nakatala, sa mga salitang naka ukit, kung saan sa mga bawat letrang nakaukit ay dala ang emosyon at pighati
Oo, tanga na kung tanga, ako’y bulag sa katotohanan, nasasakal sa kasalukuyan, ngunit sakit ang dala sa kinabukasan
Di ko alam kung bakit labis ang inis sa aking puso sa tuwing ika’y nasasaktan
sapagkat ikaw at ako ay wala namng tayo
Di ko sukat akalain na kung bakit labis ang pagmamahal mo sa isang taong hindi ka kayang mahalin
Sa ilang buwan ng ating pag uusap ang ating pagsasama ay walang katapusan,
Teka lang! napapadalas ata ang paglabas ng aking mga emosiyon na masyado ng matagal na nakatira sa puso
pagtiis sa sakit, hapdi, kirot, at pighati ay laging naiisip
palihim, ako'y nagtatago sa dilim na paraang aswang , na pag lumabas sa katotohanan ay aking ikakasakit.
katotohanang mag iiwan ng peklat sa aking puso
madali mag imagine sa mga expectations pero mas masakit ang reality
kaliwa't kanang mga sabi sabi ay aking naririnig tungkol sa'yo mahal
mga tengang daig pa sa aso ang rinig, mga sabi sabi ay tila nakakainis, sapagkat ikaw lang ang tanging mahal
mahal, nagmamakaawa ako, wag mo ng hinatyin na tumulo ang aking luha sa aking mga mata, mahal nagmamakaawa ako na itigil mo na ang magmahal sa isang taong di ka kayang mahalin
pero! ang mga ngiti sa aking mukha ay dapat manatili. mga ngiting walang kasiguraduhan na totoo. sa likod ng mga ngiting ito ay ang pusong sugatan, psuong pagod, pusong hindi na dapat magmahal,pusong nagtitiis, pusong dala'y sakit
itinatago ko na lamang sa dilim ang mga sakit na nadaraman, sapagkat gusto ko na lng ipikit ang mga mata at pag mulat ay ayos na
puta! handa kong isigaw sa mundo na mahal labis kitang mahal, o mahal itigil na natin ang kasalukuyan para ang kinabukasan ay maganda at para sa magandang kasalukuyan
bago pa tumulo ang luha sa mga mata ko at bago ko isara ang libro kung saan nakasulat ang iyong istorya at ang mga nadaanang pahina kung saan nakaukit ang mga hapdi at sakit na nanatili sa puso mo gusto kong sabihin sayo ng palihim na mahal, labis kitang mahal, o mahal labis kitang mahalin, o mahal labis kitang mamahalin
tapos na ko tangina!