Ika'y aking nakasama sa loob ng limang buwan
Araw-araw kinkilatis ang iyong katangian
Mukha mo'y tila liwanag ng buwan
Na saakin ay bumubulag ng panandaliang
Sa una ay nagkakahiyaan
Pero nung tinagal ay naging magkaibigan
Pero Ito ay unti-unting napapalitan
Ng salitang Pag-iibigan
Sumusulyap sayo paminsan-minsan
Pero ika'y nahuhuli sa kawalan
Tumitingin sa akin ng Harapan
Di mapakali ang nararamdaman
Bagkus ang takot at pagkakailang
Tinutukso ng barkada
Pero ikaw ay tila nasisiyahan pa
Makakita sa iyong mukha ang saya
Saya Na dulot ng hiyaw ng madla
Nagtapos ang lahat sa itinakdang oras
Lahat ay dismayado Pero umaatras
Ating landian ay unti-unting nababanas
Sa pagkatapos ng klaseng kasama si kras.