Launchorasince 2014
← Stories

Pukpok Ng Martilyo

Maagang-maaga pukpok Ng martilyo Ang gumigising sa asking diwa.

Noong una'y ako'y naaalibadbaran pero nung tumagal ay akin na itong nagustuhan.

Pukpok Ng martilyo ni itay ay tila musika at parte na Ng aming buhay

Pukpok Ng martilyo na nagbibigay biyaya at nagsisilbing tulay sa mga pangarap na amin pa Lang binabaybay.

Kama'y na magang-maga ang ibinibigay Kay itay sa buong araw na pagpupukpok

Pawis na tumatagaktak ang pampadulas sa martilyong tila tela sa rupok

Kanyang ginagawa ay nagbibigay sakit sa aming damdamin bagkus siya ay nahihirapan at sarili ay minsan nililimot

Pukpok Ng martilyo ni itay ay siyang tumutupad sa aming pangarap

Pukpok Ng martilyo ni itay na siyang nagtutulak sa Amin na magsumikap

Pukpok Ng martilyo ni itay na unti-unting nag-aangat sa buhay naming mahirap

Pukpok Ng martilyo ni itay na madami nang natapos na kabahayan at kasangkapan

Magiging parte ng aming buhay Ang tunog Ng pukpok Ng martilyo ni itay

Dahil ang pukpok Ng martilyo niya ay nagbigay sa Amin ng maganda at maginhawang buhay

Pukpok Ng martilyo ni itay, pwede ka nang magpahinga

Dahil kami naman ang aalalay sa iyo para ikaw naman ay mabuhay Ng hayahay.