Launchorasince 2014
← Stories

Para sa'yo

Akala ko, sa t’wing magkakaroon tayo ng maliit na hindi pagkakaintindihan o away, makakalimutan kong mahal kita.

Akala ko sa t’wing makakagawa ako ng kasalanan, hindi kita maiisip. Akala ko hindi sasagi sa isip ko na may isang tao na naghihintay sa’kin pag-uwi.

Akala ko hindi ako makakagawa ng kasalanan. Mas nag-aalala pa nga ako na baka ikaw ulit ‘yung manghina. Akala ko hindi ako makasarili ‘pag dating sa’tin.

// Hindi ko nagawa ‘yon para gumanti. //

Akala ko hindi ako masasaktan kapag ako ‘yung nakagawa ng kasalanan.

Akala ko kapag nag-aaway tayo, mawawalang parang bula ‘yung tawanan natin, ‘yung mga kalokohan. Akala ko biglang mamamatay ‘yung ilaw sa isang parte sa puso ko kung saan nandoon ka.

Akala ko …