Launchorasince 2014
← Stories

PAUMANHIN


Ipagpaumanhin mo ako kung lagi kitang ini-isip,

At kung lagi kang laman ng aking panaginip.

Wala mang IKAW at AKO sa salitang "TAYO"

Pangalan mo parin ang nais isulat nitong mga kamay ko.


Paumanhin din kung lagi ka nalang naliligaw sa aking mga tula,

Maging sa gitna ng mga matatamis kong tugma,

Di ko sinasadya, sadyang mapaglaro lang talaga si Bathala

Mga letra ng pangalan mo lang alam kong isulat sa bawat taludtod nitong tula.


Ipagpaumanhin mo ako kung inibig ka ng isang makata

Na ang alam lang gawin ay sumulat ng mga tulang may mga tugma.

Pero huwag kang mag-alala dahil panghabang buhay kang kikinang

Sa bawat pantig at linya ng pahinang may himig ng pag-ibig.


At mas lalong ipagpaumanhin mo kung puso ko man ay di biniyayaang makapagsalita

Kung ang mga katagang nais sambitin ay nakabitin lang sa ere ng hiya,

Pero ang tutuo, ang puso ay tahimik na sumisigaw

At humihiling na sana marinig mo ito balang araw.


~shenny