Launchorasince 2014
← Stories

Payong

Pag-dilat pa lang sa bagong umaga,

Damang-dama ang lamig sa paligid...

Dahil ba ako lang mag-isa dito sa kama?

O dahil ba umuulan sa labas ng aking silid...?


Sa ibabaw ng lamiseta, maliit na payong na pula

Napaka simple na bagay, ngunit puno ng alaala...

Malungkot, masaya, alaala nating dalawa,

Sa tagal ng pinagsamahan ito lang ang natira...


Bawat patak ng ulan ay kasabay ng aking mga luha,

Ubod ng lamig at sa 'yong yakap ako'y nangungulila...

Ang payong sa'king tabi ay tila walang saysay,

Dahil ako'y basa parin, basang-basa sa'king lumbay...


Kada na lang ba uulan, ganito ang mangyayari...?

Paulit-ulit na maaalala na wala ka na sa'king tabi...

Kahit ano pang payong ang gamitin, wala itong silbi

Kung babahain ako ng alaala ng iyong mga ngiti


Sa payong na dati'y tayong dalawa ang nakasaklob,

Sa pulang payong na ito damdamin ko'y nakapaloob...

Sana'y alam mo, mas pipiliin kong mabasa ng paulit-ulit sa ulan,

Kung ako na lang mag-isa at 'di ka na muling mahahagkan...


Sobrang lakas, ulan ng ulan

Tuluy-tuloy, patak ng patak

Walang katapusang luha...

Ulan, kailan ka ba titila?


______________________________

A/N: Thanks for reading this until the end!