Mga piraso ng langit ang syang ginamit upang mabuo ito.
Bawat salita at kataga na meron dito ay mismong pinili ko,
Dahil nais ko na ang mga liham at librong ito ang mismong sisimbolo
Sa mga damdaming hindi magawang isigaw sa buong mundo.
Isa-isa kong sinungkit ang mga tala at inilagay sa bawat pahina,
Sapagkat nais kong ang bawat pagkislap nito'y kasabay sa ritmo ng iyong paghinga.
Na sa tuwing mangungulila ka sinta sa mga handog kong yakap.
Masisilayan mo ang mga ito na sumasayaw sa alindog ng alapaap.
Subalit kung minsan, ang buwan ay takot din kung hatinggabi,
Kagaya ko na isang nilalang na hindi magawa na sayo'y masabi.
Mga lihim na pagtingin na tanging mga tala at buwan lamang ang saksi.
Pagsinta na mistulang mga munting alitaptap sa pagitan ng umaga't hatinggabi.