Launchorasince 2014
← Stories

"pusong ligaw"

mga kaibigan ang istorya ko sa pag-ibig ay walang katapusang akusasyon, walang tigil sa paglabas ng emosyon 

di ko ninais na mapagod kang mahalin, kung ang gusto mo lamang na sayangin ang aking pagmamahal na ibinigay ko sayo

mga balikat nagsilbing sandalan sa mga panahong malamig, sa mga oras na tayo'y natutulog ng mahimbing, sa pagmamahalan nating dinaig ang mga taong walang hanggan ang pagmamahalan

ngunit! ang mga matatamis na linyang ito ay tila nabigyan na nga wakas, na hindi dapat mangyari hangang sa huli, sapagkat ikaw at ako ay nagkaroon ng rason para tayo'y bumitaw sa ating pagmamahala na masyado na tayong naglolokohan

pero! merong isang tao na nakita ng aking tunay na pagmamahal at niais niyang subukan ang pagsubok na ito, sa mga oras na iyon sa sobrang dami tanong na dumadalaw sa aking isipan di ko alam kung ano ang gagawin, sapagkat ako'y natakot na baka bumitaw siya at baka ulitin ang mga mapapait na salita na ayoko na rin'g marinig, sapagkat ang puso ko'y sawa na ring marinig ang mga mapapait na salita na galing sa iyong masasakit na linya 

sapagkat gusto na sumigaw at kumawala ng aking puso na "ayoko na" ang puso ko ngayon ay binansagang pusong ligaw 

ang puso ko'ng ligaw ay nais ng humanap ng ligtas na lugar, kung saan ang tunay na pagmamahal ay nais ko'ng makita, mga pusong ligaw ay hitik na hitk sa tunay na pagmamahal, pero lahat ay tila naging totoo, mga salita ko'ng nais makita galing sa isang tao na kaya gawin lahat ng ito

ang pagmamahal mo'y tila walang wakas, pagmamahal na 'kala mo katapusan na ng mundo bukas, mga pagmamahal na inaasam-asam ko, gusto ko'ng subukan kung ano ba talaga ang pakiramdam ng psuong ligaw na nakahanap na ng ligtas na lugar

sa mga oras na ito ang puso ko'ng ligaw ay tila nasisiyahan sa mga ngiti mo'ng nakakamatay na nais ko'ng makita kinabukasan, ang puso ko'ng ligaw  ay nakahanap na ng karamay tungo sa pagmamahalang hanggang wakas

sa mga oras na ito gusto ko na lamang ipikit ang mga matang ito at pagmulat ay ikaw ang nasa tabi, nasa tabi na nagmamasid sa aking mga mukha, nasa tabi na hinahplos ang aking magulong buhok, nasa tabi na nakasandal at naghihintay na sabihan ka ng "mahal kita"

babalik ako sa katagang "ang puso ko'ng ligaw"

ang puso ko'ng ligaw ay nakahanap na ng ligtas na lugar, kung saan ito ay aking inaasam

ang puso ko'ng ligaw na hitik na hitik sa pagmamahal ay tila may tumulong na ilagay ako sa ligtas na lugar, na kung saan ang ligtas na lugar na iyon ay ang aking inaasam-asam na pagmamahal na tungo sa magandang kinabukasan, ligtas na lugar na kung saan tunay na pagmamahal ay natagpusan, ligtas na lugar kung saan may kumapit sa aking mga kamay at di na muling bibitawan pa, ligtas na lugar kung saan ko natagpuang muli ang balikat na ninais ko'ng sandalan muli

Your work is your legacy.
Protect it with NAK-ID.

Free to start. Takes two minutes. Lasts forever.

Start for Free →

Free account · No credit card required