Launchorasince 2014
← Stories

Sa loob ng Villa

One time.. naguusap-usap kami ng mga kaibigan ko kung sino ang pinakamaganda sa room. Siyempre sa loob-loob namin may kanya-kanya na kaming “bet”, ganern!.

Nasa loob kami ng Villa, mainit. April na kasi. One hour na lang ‘nun bago kami mag quiz sa reading and writing skills. 

So ayun na nga, imbis na mag review kami... “Sino para sa inyo yung pinakamaganda sa room” tanong ni Eloisa. 

Sumagot naman ako. “Si Kyhm” sagot ko. 

Napangiwi naman si Eloisa pati rin si Amiel. 

“Seryoso ka?” parang di sila sang ayon sa “bet” ko. Eh, bakit ba? When it comes kasi sa physical looks. Tinitignan ko ay una, yung height sa isang babae. Then, yung face. Lastly, yung weight. At sumakto si Kyhm yun, perfect pa siya sa mga tinitignan ko. Kaya siya yung pinakamaganda sa klase namin para sa’kin. 

“Ahh.. sige. Perspective mo yan eh” sabi nalang ni Eloisa. Na ikinangiti ko ng bahagya. 

Sa loob-loob ko tuloy.. lahat talaga tayo may kanya-kanyang taste. Di lang sa physical looks. Mapa-fashion man yan, bra, brief, etc. Diba? 


So, ikaw? Anong tinitignan mo sa babae, para masabing maganda sila?