Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Walo. Siyam. Sampo.
Sampo.
Sampung buwan na ang nakalipas
Siguro tama na to
Tama na tong kagagahan na ginawa ko sa sarili ko
At tama na rin na masabi ko sa sarili ko
Na kaya ko na
Kaya ko nang harapin ang mga araw na wala ka
Siyam
Naalala ko lang nung una kitang nakita.
Siyam na araw na kitang nakikita nakaupo sa bench magisa.
Nagbabasa.
Walo.
Sa ika-walo ng setyembre.
Nakita kita ulit.
Umiiyak magisa.
Pito.
Pitong minuto na ang nakalipas.
Nagdesisyon na akong pumunta sayo.
Ngunit may dumating.
Naghihingi ng sorry sayo
At nagyakapan pa kayong dalawa.
Anim.
Anim na libro na ang nabasa ko para malaman ko kung saan patutungo itong nararamdaman ko.
Maaamin ko ba sa sarili ko na meron akong paghanga sayo?
Lima.
Hindi ako uminom.
Kasi limang piso lang ang meron ako.
At hindi ko kayang uminom kasi d ko gustong magpakalasing sa taong walang alam kung sino ako.
Apat.
Apat na beses may kumatok sa pinto ko.
Ikaw.
Hindi ako makapaniwala nandito ka.
Yun pala isusuli mo lang ang librong hiniram mo.
Pero ngumiti ka.
Sinabi mo thank you.
At sinabi ko rin na walang anuman.
Tatlo.
Tatlong beses akong tumalon-talon
At tatlong beses ko rin sinampal ang mukha ko.
Hindi ako makapaniwala.
Nakausap ko siya kahit saglit lang.
Dalawa.
Dalawang araw ko na siyang hindi nakita.
Nalaman ko na lang na na sa ibang bansa na siya.
Isa.
Sana binigyan ako ng isa pang pagkakataon makausap ka muli.
Kahit saglit lamang.
At ganun masisiyahan ako.
Pero alam ko na d na yun mangyayari.
Kasi hindi ka na babalik.
Sana masaya ka kung saan ka man.
Maraming salamat sa lahat.