Launchorasince 2014
← Stories

Sinabi niya

Sinabi niya ang sinabi mo. Ginawa niya ang ginawa mo. Lahat ng nangyari ng kasama ko siya, nangyari nung sama kita. Lahat ng pangarap na ibinahagi ko sakanya, ibinahagi ko sayo. Lahat ng luhang inubos ko sa sakit na binigay niya, siya namang iningiti ko nung dumating ka. Sa una natakot ako. Dahil lahat ng pangako niya, ay katulad ng sayo. Lahat ng hawak mo, ay katulad ng haplos niya. Nakita ko ang anino niya sayo. Sinubukan ko. Sinubukan ko na iwasan. Sinubukan kong lumayo at huwag ng pangsinin pa. Pero wala. Natalo ako ng puso ko. Muli nanamang natalo ang isip ko.

Dahil dito...

Dahil dito, hinayaan ko ng hawakan mo ang kamay ko nung gabing sinabi mong "gusto kita"

Dahil dito, ibinigay ko ang matamis na halik na akala ko hindi ko na kakayaning ipagkatiwala

At dahil dito... Binigay ko ang puso ko sayo, buong buong. May labis, pero walang kulang.

Hindi sa kinukumpara ko, pero pinag kukumpara ko na sa simula pa lamang ng liham na to. Hindi dahil siya ang nakikita ko sayo. Kundi dahil hiniling ko na sana nauna kitang nakilala. Ng sa gayon, hindi gulagulanit na ako ang natagpuan mo. Ng sa gayon, hindi mo kinailangan mahirapan sa sakit ng mga sugat na iniwan niya. Ng sa gayon, hindi mo na kailangan pang ayusin ang tiwalang sinira ng kasinungalingan.

Ngayon, bago ako mag tapos. Gusto ko lamang bawiin lahat ng sinabi ko sa simula. Lahat ng yun ay maling akala ko nung pumasok ka sa buhay ko. Pero dahil hanggang ngayon nanatitili ka sa tabi ko kahit anong tulak ang ginawa ko. Pinatunayan mo lamang na hindi ka lamang higit sakanya. Kundi wala ka kang katulad.