Launchorasince 2014
← Stories

Sino sa kanila?

Nauna'y aking kilala na't naging liyag,
Nagawa na ang lahat para siya'y mapasaya,
Naging matapang ako at naging duwag,
Sa pagbawas ng oras na naaaksaya.

Ang isa'y kagagaling lamang sa maykapal,
Na nagsabi sakin na ako daw ay mahal,
Puso ko noon ay tila nakaramdam ng banal,
Emosyon na iyon ay di nawala kundi tumagal.

Sa isip ko'y dalawa sila ngunit sa puso dapat ay isa,
Ang pinasasaya ko o ang sa aki'y nagpapasaya?
Ang maaari ko bang paluhain o ang nagpaluha na?

Ang mahal ba ako o ang mahal ko pa?