Launchorasince 2014
← Stories

"siya ay isang wika"


Ang wikang Filipino ay mahalaga

Ngunit sa iba wala itong importansya

Parang siya… dumating sa oras na meron na siyang iba

Iba na ang gamit nila na wika

Dahil para sa kanila ang ating wika ay wala ng kwenta

Tulad niya na pinagpalit ako sa iba

Ang ating mga bayan’y ibinuwis ang kanilang buhay, maisalba lang ang ating wika

Pero nung sabi mong ibubiwis mo ang buhay mo mahalin lng ako, bakit ramdam ko na parang walang tayo.

Mga kasintahan nga naman natin, eh teka! Teka! teka! Wala nga pala kong kasintahan

Iniwan niya ko sa init at lamig, sa araw at gabi, sa hirap at ginhawa, at sa bawat oras?

Ikaw ay lagging iniisip

Mga Pilipino ngayon parang Hindi na kayang bigkasin ang ating sariling wika

Katulad niya na hindi na rin kaya ibigkas na “mahal kita”

Filipino, wikang magpapabago

Ngunit parang wala kang pinagbago

Sa panahon ngayon ang ating wika ay isa na lang imahinasyon, kung saan sa isang relasyon, pag sumobra’y nakakalason

Bakit parang nakakalimutan na natin na ano ang ibigsabihin ng ating wika?

Parang ikaw! nakalimutan mo na minahal kita? Nasan ka sa mga oras na kailangan kita?

Sukatan na ng pagiging intelekwasado ang pagsalita ng ibang lenggwahe

Kung saan mas na silang matalino

Katulad niya na naghanap ng iba na mas komprtable

Sana kahit man lang maalala natin na ang wika ay mahalaga para sa bawat Pilipino

Kaya’t wag mong sabihin na hindi ako mahalaga sa iyo, kasi hanggang huli minahal kita

Kaya heto kahit tayo’y pinagtagpo

At sa Walang hanggang panunuyo, pag ibig natin ay tila natutuyo, dahil sa matigas mong puso

tulad sa mga nagtatago kong salitang winika

para sayo’y hindi ito mahalaga, na kala ko’y pagmamahal mo’y walang hanggan, sa mga oras na ika’y kailangan, ang puso ko’y tila’y nasasaktan

hindi nawala ang kultura

oo ang kultura

kultura na lagi ng ginagawa

kultura na nakasanayan na

oo sanay na ko, sanay na kong masktan sa bawat salitang binibitawan mo

padalos dalos ang dugo sa aking puso, nadudurog,natutusok,nasasakal

sobrang sakit!

ang lingwahe ay hindi kapalit ng relasyon na walang katapusang akusasiyon, walang tigil na pag sangayon na hindi dapat pabayaan ang wika

maaaring magkaroon ng ibang wika kahit isa kahit dalawa

pero tatandaan mo sa relasyon lng hindi pwede magkaroon ng kahati sa iba

ikaw at ako ay hindi pwedeng maiisulat at maitakda ng

wika lamang,

ayon kay gat jose rizal ang hindi magmahal sa sarling wika ay mas masahol pa sa hayop at sa malansa pa sa isda

Parang siya hindi ka makuntento sa isa. Kaya ang turing sayo ay hayop at malansa pa sa isda

ang lansa mo punyeta! Tapos na ko!

Your work is your legacy.
Protect it with NAK-ID.

Free to start. Takes two minutes. Lasts forever.

Start for Free →

Free account · No credit card required