Launchorasince 2014
← Stories

STRANGER AND ME


Nakaupo ako sa isang bakanteng upuan sa isang Mall dito samin. Wala e, wala akong pera kaya upo, titig, at patingin tingin na lang ako sa mga daraang tao sa harap ko. :3 When suddenly someone seated beside me. E hindi ko naman pinaalis kasi hindi ko naman pag-aari yung inuupuan ko at wala naman akong kasama. Masyado naman ata akong rude nun kapag ginawa ko yun. Will hinayaan ko nga syang tumabi sakin.After ilang minutes tapos bigla siyang tumingin sakin sabay sabi ng:

"Pwede bang makipag-usap sayo?"

Alam niyo nangyare sakin? Syempre di ko sinagot. Hindi ko naman siya kilala. Wag assuming! haha. So ang ginawa ko hindi ko lang pinansin. Tapos after ilang minutes na naman nagsalita ulit siya.

"I just want someone to talk." sabi niya na parang pabulong na lang. Halatang may pinagdadaanan talaga.

Tumingin ako sa kanya at nakita ko sa kanyang mga mata na ang lungkot lungkot niya talaga.

Parang kailangan niya talaga ng kausap. :3 Siguro problema nito lovelife. -_- Nagsalita naman ako bigla.

"Okay lang yan pre. Marami pa dyang iba I'm sure may makikilala ka pang mas higit pa sa kanya at deserving pa para sayo. :D Antay antay ka lang! Everythings happens for a reason!" sabi ko sabay smile sa kanya.

Tumingin din siya sakin at bigla siyang ngumiti. :)

"Salamat sa advise pero hindi naman lovelife ang problema ko. :) " sabay ngiting pilit.

Oh my! Assuming ako. haha! hindi pala yun ang problema niya. xD

"a, e, i, o, u? Hehe! Akala ko yun e. Hehe! Bakit ano ba talaga yung problema mo?" kunwari interesadong tanong ko. (oh wag kayong OA magreact sakin. Syempre di ko naman siya kilala at ngayon ko lang siya nakita langgan naman maging interesado ako sa buhay niya. Buti sana kung yayaman ako kapag naging interesado ako. ;) )

Medyo nag-aalinlangan pa siyang magkwento. Kaya sinabi ko

"Okay lang yan. I promise na hinding hindi ko yan ipagkakalat, hindi naman kita kilala at saka its better to tell our problem to strangers. No judges! No hurt feelings!" pag-aasure ko sa kanya. Naintindihan niya naman ata kaya yan medyo nawala na yung pag-aalinlangan niya sabay bwelo para magkwento.

"Anlabo kasi ako ngayon sa pamilya ko." panimula niya. o.O

Ako din nalabuan sa sinabi mo. :3 pero imbes na magtanong ako sa kanya ay tiningnan ko lang siya at hinintay na magsalita ulit.

"Hindi ko naman talaga sinasadya. Alam ko naman na pasaway akong anak pero never ko naman na gawin yun e."

Luh? o.O Drug addict ata to. Tsk! Sayang may itsura pa naman. Ay hindi naman siguro. hmm, baka nakabuntis? haha! kawawa naman siya tapos na pagiging chickboy niya. :D Pero sabi niya kanina hindi naman daw lovelife ang problema niya e. Ay wag na nga kaya akong manguna.

"May mga kabarkada kasi ako sa school actually mga bagong kabarkada. Astig sila, masayang kasama, mababait at parating andyan kapag kailangan ko. Pero one time nakita ng magulang ko kaming magbabarkada na umiinom. Nagalit sila sakin at sinabi na wala daw madudulot na magandang impluwensiya sakin ang mga bago kung kaibigan. Umiwas na daw ako sa kanila dahil kung hindi mapipilitan daw silang ilipat na lang ako sa ibang school. E sakin naman kasi hindi naman yun totoo kaya hindi ko sila nilalayuan. Then isang araw umuwi akong gabing gabi na at lasing na lasing. Pagpasok ko sa bahay andun na sa pinto sina Papa at Mama, kanina pa pala ako inaantay. Syempre alam mo na rin naman ang mangyayare syempre nagalit sila sakin at pinagalitan ako ng sobra. Dahil daw sa ayaw akong makinig ay sila na daw ang gagawa ng paraan para makalayo ako sa mga kaibigan ko. Hindi ako makasagot kasi nererespeto ko sila at saka alam ko naman na wala akong ginagawang mali. " mahabang sabi niya.

o.O Yan lang naging reaksyon ko. Haha! E hindi ko kasi magets e. Parang may kulang. Tumango na lang ako bilang response dun sa sinabi niya. Hahaha!

"E anong problema? Kung wala ka naman talagang ginagawang masama e bat hindi mo sabihin sa kanila?" kunwa'y tanong ko bigla. Saka para malinawan din ako. Kasi naman ang labo e. :3

"Yan nga yung problema e. Sinabi ko sa kanila na wala naman akong ginagawang masama. Nagcelebrate lang kasi kami noon dahil nanalo ako sa isang competetion actually hindi naman talaga siya isang competition parang nagkapikonan lang ng grupo doon sa lugar na pinuntahan namin.

Hindi kasi alam ng mga magulang ko ang mga extra activities na ginagawa ko kasi wala naman silang reaction at sinasabi sa mga achievement ko sa buhay." medyo may hinanakit na kwento niya.

Tapos ako another ganito o.O Malabo padin.. hahaha! Logic ata ang buhay nito. LoL!

"Ah you mean nagkamis-understanding kayo ng magulang mo?" Tanong ko at tumango naman siya.

"Di ba't hindi mo na lang linawin sa kanila. Say sorry! Magulang mo naman yun, hindi ka naman magiging babae kapag nagsorry ka at ipakita mo sa ibang tao na may weakness ka din. saka para naman malaman na rin ng mga magulang mo na may hinanakit ka sa kanila." bigla siyang nag-iba ng expression sakin.

"Oh wag ka ng kumontra halata naman na may hinanakit ka sa kanila. Syempre wala namang anak na ayaw mapansin ng mga magulang nila ang mga achievement nila sa buhay no!" sabi ko. Meyo tumawa naman siya sa sinabi ko.

Nakita ko sa mukha niya na medyo nabawasan na yung problemang dala niya.

Then bigla na naman siyang sumimangot.

"Pero hindi ako sweet na tao."

Ay me too. haha! Relate ako sayo. Kala ko ako na lang ang existing tao ganito. Haha! Hindi pala. :D

"Hindi ka sweet pero kapag kay GF sweet? Sus! (medyon natawa ulit siya) Dapat nga mas sweet ka sa parents mo. But anyways pwede mo naman isulat yan. Lagay mo lahat ng hinanakit mo mula sa unang unang hinanakit mo hanggang ngayon. Para magkalinawan na kayo. Tapos bigay mo sa kanila. Kung hindi mo naman kayang ibigay ng personal di iwan mo dun sa lugar na madali nilang mapapansin. tapos .... tapos na! hehe! "

Halata kung ayaw niya pang gawin pero parang pinag-iisipan na rin niya.

"Yun na ang gawin mo kaysa naman sa habang buhay kayong hindi nagkakaintindihan." sabi ko pa sabay smile sa kanya ng napakaganda. ^_^

Napangiti na naman siya.

"Salamat! Alam kung nalalabuan ka sa kwento ko pero pinilit mo pa ring bigyan ako ng ideya." this time tumawa na siya.

"No problem!" sagit ko.

"Saka wala akong GF." biglang sabi niya.

Ako? (yung nakaquestion mark na tingin.) haha! wala akong naging response parang na awkward tuloy ako. haha! (K! late reaction ang awkward moment ko. lol)

Bigla siyang nagsalita siguro napansin niya na awkward ako. :D

"Buti na lang at ikaw ang nilapitan ko."

o.O Hala! Kanina pa ako nito tinitingnan?

"Napansin kasi kita kasi ang likot mo. Kapag may dumaraan sa harapan mo sinusundan mo ng tingin hanggang sa hindi mo na makita tapos minsan ngingiti ka pa at magsasalita mag-isa."

o.O

"Hehe! Wala naman kasi akong mapaglibangan yung lang tumingin sa dumaraan dito. ^_^ "

Ngumiti ulit siya at nagsalita.

"Nakita pa nga kita na ang lagkit ng tingin mo dun sa isang taong dumaan na may dalang pagkain. Kulang na lang sabihin mo sa kanya na 'Oi, sakin na lang yan!' haha! Medyo nahulaan ko pa nga yung sinabi mo sa sarili mo e. sabi mo 'Gusto ko din ng ganun!' with sad face pa." pikon niya sakin.

-_-

Tumawa na lang tuloy ako. Kahiya naman kasi. May nakakita pa! haha.

"Lika (sabay hawak niya sa braso ko) Treat kita ng meryenda tutal nakatulong ka naman sakin kahit papano at alam kung gutom ka na. Halos kalahating oras kana ata dito e."

Ako? Wala ng nagawa! Kasi naman andun pa lang ako sa part na "hiya portion" kaso ito namang strangers na to! lakas makaFC sakin kala mo tagal-tagal na namin magkakilala. :3 Haha! Pero okay lang at least nakatulong ako kung may naitulong talaga. Haha!. ^_^ :D

END!

(hoping fro part 2. )