Launchorasince 2014
← Stories

To My Wonder Woman

Ma! I love you!
And you know that diba?

Ma. Sorry ha, that sometimes I get annoyed ever time you would asked me about something. Like 'Nak? Pano ba to?' Pano ba ako makaregister?' Pano makuha yung na post kong video?' 'Nak pwede mo makuha yung...'

At ako naman magsasabi ng d na ka ayon sa mga tanong mo. Sorry makulit ako ha. E kasi naman may ginagawa ako minsan at dun ka rin magkukulit sa akin. Sorry din sa pagapak ko ng paa mo. Sorry talaga.

Oo nga dapat ako yung marunong magintindi. Matulungin at mahaba ang pasensya. Kasi ako yung anak.

Sa mga simpleng 'Mag-ingat ka anak sa paguwi mo mamaya." o kaya sa mga 'I love you nak!' Napangiti mo ako palagi at napasaya. At dahil dun ang lucky ko talaga na ikaw yung nanay ko.

Kahit matanda ka na. Ikaw pa rin yung young at heart. Madaling pakikisamahan kahit terror ka. Haha

Kahit strict ka I know I've been raise well. Dahil alam ko what's good for me sa lahat na hindi pa pwede noong nag-aaral pa ako. At alam ko na dapat kung ano yung tama sa hindi.

At alam ko na meron kang alam na d mo lang sinasabi sa amin.

Sa mga taong AY NAKUU! Pero ikaw naman yung taong d sila pinapatulan kasi alam mo walang magagawa ang paggawa ng masama sa kapwa. Yung kahit alam mong nasasaktan siya sa mga taong walang konsidirasyon sa buhay. Hindi niya ito pinagiisipan ng masama. Sadyang mabait talaga nanay ko. At malaki yung puso niya sa mga tao.

Galing niya nga dahil she serve the school for 36 years! Woah! Galing yun! For being an elementary teacher, Dept. Chair person in Filipino, highschool teacher. Then naging Troop Leader pa siya ng boyscout at girlscout. Moderator ng Ang Layag, newspaper na tagalog sa school. Level Moderator, at Tour Coordinator.

Kahit anong hirap dinaanan niya nung una. Ginawa niya lahat ng dahil sa pagsisikap at determinasyon. Tiniis niya yung hirap para makapagaral lang at makatapos.

At alam ko na hindi niya masyadong pinaguusapan yung past niya dahil mapait naalaala iyon. At naiintindihan ko naman siya.

Pero akalain habulin siya pala ng mga lalaki noong panahon niya? Natalo pa si itay sa mga past love life niya. Haha. Ang galing naman! Bad ass talaga si mom oh!

At naalala ko yung sinabi niya na merong humabol sa kanya during her wedding day nila itay. May inabot na sulat. Sinabing mahal niya pa rin si inay. Aww. Pero its too late! Your lost man! Nagwagi talaga si itay sa puso ni inay.

Ma mi-miss ko yung breakfast cook mo. Sorry kung d ako gumigising ng maaga. At parang palaging makikita mong tamad. Pero ginagawa ko naman lahat para d akung mukhang tamad. D ko lang talagang pinapakita yung ginagawa ko e. Hindi ako showy.

Salamat po inay sa mga yakap mo. Na kahit alam ko masakit yung mga braso mo you do everything just to give me a hug.

Sometimes your cute pag nagtampo ka. Haha. Pasensya kung minsan matigas yung ulo ko. Pero diba? Love mo pa rin ako. Hehe

Salamat po sa lahat-lahat! Sa mga tulong at pagaalala, sa pagiintindi, at sa pagmamahal.

Sana kagaya ko rin kayo. Yung strong at d umuurong sa hirap ng buhay. Pero alam ko we all have our limits.

Salamat po dahil hindi niyo kami pinapahirapan at dahil hindi niyo gusto na nahihirapan kami.

Handa akong pagsilbihan ka sa makakaya ko.

And I can't imagine having another mom. Because you did a great job keeping the family together.

Goodluck sa mga succeeding days mo. More power, health and happiness!

Kaya talaga siya yung Wonder Woman ko! She's my idol!