Launchorasince 2014
← Stories

Tuwing Lunes ng Umaga

"Aba! Bakit ka pa mag-aabala
babagsak ka rin naman pala!"
Dalawampuhang pantig na
bumungad sa akong umaga.
Mga salitang sumisimbolo sa
metapora ng kawalan ng tiwala.

Lunes ng umaga.
Almusal ko'y iyong pagdududa,
tanghalian ko'i iyong mga paalala,
at hapunan ko'y iyong mga hinala.

Pa, wag kang mag-alala.
Gra-graduate ako
at magiging Cum-Laude pa!