Launchorasince 2014
← Stories

U n k n o w n.

Anong dapat gawin ko?
Kung sa bawat ngiti mo
Nagtatalo ang puso't isip ko
Kung talaga bang hindi o di kaya'y oo

Anong dapat gawin ko?
Kung wala akong maisip na paraan
Upang maayos ang lahat ng ito
Kahit alam kong ito'y magiging malabo

Anong dapat gawin ko?
Kung sa bawat galaw mo
Di ko alam kung titigil na ba ako
O itutuloy ang lahat ng ito

Ano bang dapat gawin ko?
Kung sa bawat desisyong ginagawa ko
Nakasalalay ang mga pangako ko
At ang mga resultang kasama nito

Ano bang dapat gawin ko?
Kung sa bawat oras na umaayaw ako
Isang salita mo lang ay napapahinto ako
Isang ngiti mo lang ay tunaw na ulit ako

Ano bang dapat gawin ko?
Kung sinisigaw ng isip kong tama na to
Pero bumubulong ang puso ko
Na pwede pa, na kaya pa, na wag susuko

Ano bang dapat gawin ko?
Kung sa bawat pagkakamaling nagagawa ko
Ay may hatid naman na saya sa puso ko
At may hatid na ligaya na para lang sayo
Ligayang nais kong ibigay sa tulad mo

Ano bang dapat gawin ko?
Titingala, yuyuko, lalaban, o susuko?
Para sayo, para sa atin, kahit walang tayo.
Kahit mali, kahit tama, kahit malabo.
Basta masaya ka, basta maligaya tayo.

Ano bang dapat gawin ko?
Kung mahal na kita at ayokong itigil to
Kung natatakot ako sa isang pagbabago
Pero kailangan dahil hindi ito totoo
Na kahit nasa realidad naman tayo
Panaginip paring maituturing ang lahat ng ito.

Ano nga ba, mahal ko?