Launchorasince 2014
← Stories

"umasa tapos kinalimutan"

hayssssst! ang sakit sa kidney ng U.T.I 'no?

masakit din ang katagang "U.T.I" sa aking puso 

ang katagang Umasa Tapos Iniwan

ang katagang pinamukha sakin na ako'y masusugatan

ang palihim na pagmamahal sayo'y di ko kayangitago

ako'y umaasa kahit alam kong walang tsansa na maging tayo

ako'y umaasa kahit alam kong nasasaktan na ko

ako'y umaasa kahit alam kong meron ka ng iba

ako'y umaasa na maging tayo kahit ganito ako

ako'y umaasa! ako'y umaasa!

ngunit ang mga asang ito ay hanggang asa lamang, kase ang alam ko tutulo lamang ang aking mga luha

'di ko alam kung bakit ako nahulog sa'yo ng ganito

pagalala na lamang sa ating nakaraan ang tanging nakakapag pasaya sa akin

mga alala na hindi ko kayang kalimutan hanggang pagtanda

heto na ata ang oras na ang puso ko'y gising na gising sa mga pananakit, sa walang hanggang pagtingin at sa walang hanggang pag bigay ng pagmamahal

manhid na ang puso ko'ng lagi na lng nasasaktan dulot ng mga salita mo'ng binitawan 

 ako'y minsan na rin nagtapat sayo ng pagmamahal at ito ay iyong tinanggihan, hahahahahahhaa! nababaliw na ko, sapagkat ikaw lang lagi ang gusto kausap, sapagkat ikaw lang lagi ang kausap sa ilalim ng malamig na gabi, sapagkat ikaw na lagi ang nakikita araw-araw

hayssst di ko na alam talaga ang gagawin, sapagkat di ako makatulog dahil sa mga kataga mo'ng nakasakit ng damdamin

hindi ko matigil ang paglabas ng mga sakit na matagal ng nakatira dito (puso)

pero ayos lang naman, kase matagal naman na ako'ng nasaktan at ako'y sawa na rin masaktan araw-araw mahal, sawa na ko'ng maghintay, sawa na ko'ng umasa, sawa na ko'ng iwanan muli sa pangalawang pagkakataon, sawa na ko'ng umiyak sa mga unan na basang-basa na ng aking mga luha na galing pa sa mga kaduluduluhan pa ng aking damdamin para sa'yo mahal

pero pangako mahal, hanggang sa dulo ng ating walang hanggan kahit ang puso ko'y wala ng nararamdaman, kahit lumabas ka pa sa aking panaganip

pangako mahal, 'di na ko muling luluha, hindi ko na pipiliting ibigin ka'ng muli

at sa huli pangako mahal, di na ko muling makukulong sa mga rehas mo'ng nakakamatay kung umibig dahan dahan akong bibitaw sa mga mahigpit mo'ng hawak sa aking mga kamay, kase alam ko'ng aasa lang ako tapos 'iyo ri'ng makakalimutan



Your work is your legacy.
Protect it with NAK-ID.

Free to start. Takes two minutes. Lasts forever.

Start for Free →

Free account · No credit card required