Nung una hinintay kita,
Kasi ang sabi bago pa.
Nung sunod inintindi kita,
Kasi nagso-sorry ka pa.
Pero ano na?
Ilang buwan na ba?
Naghihintay pa rin ako
Sa tamang tanong mo.
Ang sa akin lang po,
'Wag mong paghintayin ang puso
'Wag mong hayaan lang nakatungango
'Wag mong iiwan kung kanikanino.
Kasi ako?
Ako ang tipo ng babaeng
Pag nagsalita na
Matatalo ka na.
Oo, may nararamdaman ako
Pero hindi ako maghihintay ng ganito
Kasi nakakapagod hintayin ang plano mo
Kung ayaw mo, edi 'wag na lang ako.