Kahit ilang beses mo akong iwan,
Paulit-ulit parin kitang hihintayin.
Kahit ilang beses mo akong saktan,
Paulit-ulit parin kitang aalagaan.
Kahit ilang beses mo akong kalimutan,
Paulit-ulit parin kitang aalalahanin.
Kahit ilang beses mo akong ipagpalit,
Paulit-ulit, ikaw parin.
Kahit ilang beses mong isarado ang puso mo sa akin,
Paulit-ulit parin kitang mamahalin.
Ang akala ko kaya kong magpakatanga palagi para sayo.
Pero naalala kong tao lang pala ako.
Darating rin pala ang araw na wala ka nang babalikan.
Dahil ngayon, ako na mismo ang nang-iwan.