Aaminin ko, sobrang namimiss kita
Namimiss kita kahit nasaktan kita
Pagkakaibigan ay biglang nawala
Naglaho ang mga alaala parang bula
Aaminin ko, laking panghihinayang
Noong ikaw ay umiwas na lamang
Sana ay maibalik ang nakaraan
Mga panahong tayo ay nagtatawanan
Yung tipo na may sarili tayong mundo
Kahit na ako lang tatawa sa jokes mo
Tumatawa ako pero ika'y seryoso
Sasamahan kapag ako'y nagsosolo
Ikaww yung taong laging naririyan
Sa kasiyahan man o kalungkutan
At handa mo akong tulungan sa lahat
Problema ko ma'y magaan o mabigat
Oo nga at sobrang namimiss kita
Sa sandali man ay naiisip kita
Sana ako nama'y muli mong makita
Upang bumalik dating sigla at saya