Launchorasince 2014
← Stories

Wasak

Oo, sobrang nakaka-stress ang araw-araw na pag-aaway na naririnig mo sa mga magulang mo. Minsan inisip mo na rin na maglayas na lang o ang matindi pa ay tapusin na lang ang lahat dahil pagod ka na makarinig ng iyak, sigaw at malalakas na suntok sa tuwing umaabot na sila sa punto na guguho na ang pamilyang matagal mo ng pinangarap na mabuo.

Pero hindi ka nagpadaig, ipinikit mo ang iyong mga mata at tinakpan ang ang dalawang tenga.
Wala kang ibang narinig kundi ang mga huni ng ibon at nakita mong masaya silang lumilipad ng matayog sa kaitaas-taasan.

Ang mga boses ng pagkalugmok na dati'y naririnig mong madalas sa iyong ina ay tila isang musika na lamang sa iyong pandinig at ang bawat suntok na tumatama sa mukha niya ay tila mga bulaklak na nagsasayawan sa iyong paningin. Unti-unti naging kakaiba ang lahat sa iyo—dahil nasanay ka na sa hinagpis na araw-araw mong nakikita.

"Ito ang pinangarap kong pamilya." anya mo.

—Thegirlinsidethejar 🥀