Launchorasince 2014
← Stories

Yapos

Gusto kong yakapin mo ako ngayong gabi.

Ngunit tila ba nauunahan ka na ng lungkot at nawiwili na ako sa pag romansa nito sa akin.
Inuna mo kasi ang sarili mong pagod at pangangailangan,

kaya't pinili ko na lang na harapin ang kabila at yakapin ang sarili. Mas mahigpit. Mas dama ko ang init.

Mahapdi ang balat ko ngayong gabi sa mga haplos mo.