Are you sure you want to report this content?
Mahal, alam mo ba...
Ang sakit.
Ang sakit sakit ng ginawa mo sa akin.
Dito sa puso, dito sa isip, dito sa katawan.
Sobrang sakit na para akong sinasaksak ng libu-libong sibat sa aking likod. Sa aking puso.
Hindi mo ba nararamdaman na nasasaktan ako?
Hindi mo ba nararamdaman na nalulungkot ako dahil sa iyo?
Hindi mo ba alam na may nakatitig sayo muna sa bintana?
Kung hindi mo alam, heto na.
Sobrang sakit.
Sobrang sakit na bigla mo na lang akong hindi pinansin.
Sobrang sakit na hindi mo na ako tinitignan.
Sobrang sakit na hindi na pala ako mahalaga.
Sobrang sakit, kung alam mo lang.
Pero ang pinakamasakit?
Ipinagpalit mo ang pagkakaibigan natin para sa kanya.
Sa kanya na alam kong sasaktan ka lang din sa huli.
Kung sa paningin mo ay hindi ako apektado,
Kung akala mo ay wala pang sa akin ang lahat,
Akala mo lang iyon, mahal ko.
Sobrang apektado ako.
Sobrang nasasaktan ako.
Pinanghawakan ko kasi ang sinabi mo.
Nakakatawa mang isipin pero iyan ang totoo.
Sabi mo, hindi ka mawawala sa tabi ko.
Sabi mo, hindi mo ako iiwan.
Sabi mo pa, mahal mo na yata ako.
Pero bakit ganoon?
Noong nagsabay tayo, bigla ka na lang nawala sa likod ko?
Akala ko nakasunod ka lang sa akin,
Iyon pala'y umiba ka na ng daan.
Daan patungo sa kanya.
Hindi pa ba sapat?
Hindi pa ba ako sapat?
Hindi pa ba ako ang babaeng hinahagkan mo?
Oo nga pala, sabi mo sa akin, trip mo yung tropa ko.
Pero.
Pero sana kahit ganoon,
Kahit alam ko na masaya na kayo,
Sana intindihin mo rin ako.
Sana intindihin mo na ilang araw kong inisip ang paglayo mo.
Sana intindihin mo na nasanay na ako na ikaw ang lagi kong kasama. Sana intindihin mo na pinanghawakan ko ang mga salitang binitawan mo. Sana intindihin mo na nahuhulog na pala ako sa patibong mo, mahal. Sana intindihin mo rin ako.
Sana intindihin mo na tao rin ako.
Nasasaktan. Sumusuko. Tumitigil.
Pero mahal, gusto kong humingi ng tawad.
Patawad kasi masyado akong umasa.
Patawad kasi nagpadala ako sa mga sinabi mo.
Pasensya na kasi pinili kitang hindi pansinin.
Pasensya na, pero kailangan na nating tapusin itong tinatawag nating "pagkakaibigan".
Pero bago ang lahat, gusto ko sanang humingi ng huling patawad.
Patawad kasi mahal na kita.
Mahal na mahal na kita.
36 Launches
Part of the Love collection
Updated on March 21, 2017
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.