Ang dami kong gustong itanong sayo
Pero dahil ayokong malaman ang mga sagot
Pinipilit kong pigilan ang sarili na ilahad ang mga ito
Siguro dahil na rin sa takot
Takot na baka mali ako?
Na taliwas sa ibig ko ang ang mga sagot mo
Takot na baka tama ako?
Na ayaw ko lang paniwalain ang sarili ko na matagal ko ng alam ang mga sagot sa tanong ko.
Pano nga ba tayo napunta sa ganito?
Mali mali
Pano nga na naman ba ako napunta dito?
Paulit ulit na umaalis
Ngunit paulit ulit ding ibinabalik ng panahon at pagkakataon
Kasalanan ko ba? O nagkakataon lang talaga?
Sa pamamagitan ng ikaw at ako
Inakala ko na maaaring magkaroon ng tayo
Akala ko tama na
Mali na naman pala
Inakala ko na meron
Wala pala
Akala ko pareho tayong nakakapit
Hindi pala
Akala ko ako na
Siya pa rin pala
At akala ko dalawa tayong nagmamahalan
ako lang pala
Sabi nga nila wag daw magmamahal ng taong di pa tapos magmahal ng iba
Kaya hinintay kita
Hinintay kong matapos na mahalin mo siya
Matagal, oo
Pero ginawa ko
Nagbakasakali ako
Umasa ako na baka sa pagdaan ng araw makita mo rin yung halaga ko
Baka sakin mo rin makita yung hinahanap mo
Baka ako yung makakapagparamdam sayo ng pagibig na ipinagdamot niya sayo
At baka, baka lang naman maging sapat na ako para sayo
Ngunit sadyang napaka mapaglaro ng tadhana
Ginawa ko na ang lahat
Ngunit hindi pa rin naging sapat
Kahit anong gawin ko
Siya pa rin ang nakikita mo
Kaya sariling mga mata ko na lang ang ipinikit ko
Para hindi ko makita ang katotohanan na siya, at siya lang
Ang nais mong makita.
Ako na. Ako na lang ang pipikit.
Story