Kilala lamang kita sa pangalan
At walang malalim na pagkakakilanlan
Merong onting nalalaman
Pero hindi sapat para sabihing tayo'y magkaibigan
Hindi ako sumulat para ika'y awayin o husgahan
Sumulat lamang ako para ipabatid ang nararamdaman
Umpisahan natin sa pasasalamat
Salamat
Salamat sa pagbitiw, at sa hindi mo pagkapit
Sa hindi mo pagyapos sa kanya ng mahigpit
Sa hindi mo pag alala sa mararamdaman niya nung saktan mo siya
Salamat sa pagtalikod at hindi mo pagtupad
Sa mga binitiwan mong pangako na mamahalin mo siya ng tapat
Salamat sa paglimot at sa hindi mo pagpansin
Sa pagmamahal niya na hindi ko kailanman sasayangin
Salamat sa hindi mo sa kanya pagtrato ng tama
Sa hindi mo pagyakap sa mga kakulangan niya
Salamat sa hindi mo pagpili sa kanya at sa paghahanap mo ng iba
Salamat sa pag sayang sa kanya
Natutunan niyang makita ang tunay niyang halaga
Salamat sa pagkawala mo,
natagpuan niya ako.
Pangako,
hindi na muling mauulit ang mga pagkakamaling nagawa mo.
At pangako,
hindi ko na hahayaang masaktan pang muli ang taong minahal mo na mahal ko at mahal ako.