Launchorasince 2014
← Stories

-Ang Buhay ng Tao-

Sa Umaga, tanaw mo na ang sikat ng araw,

Sikat na nakakasilaw

Pero hindi mu iniinda

Kasi maglalaro ka na naman,

Yung tipong ang problema mo lang ay yung ayaw ka pahiramin ng kalaro mo ng laruang motor at eroplano,

Yung tipong iniiyakan mo lang yung kunting sugat kasi nadapa ka,

Yung tipong gusto mo laging nakikita ang mga magulang mo,

Yung tipong candy at tsokolate lang ang nagpapasaya sayo.

Sa Tanghali, tanaw mo pa ang tirik na sikat ng araw

Sikat na gusto mo laging tanaw,

Dahil marami kang bagay na gustong subukin,

Mga pangarap na gustong abutin,

Aral dito, aral doon,

Gala rito, Gala roon,

Bili rito, Bili doon

Yung tipong puso na ang pinaglalaruan mo,

Yung tipong sangkatutak na ang problema mo,

Yung tipong break-up na ang iniiyakan mo,

Yung hindi mo na pinapakinggan ang magulang mo,

Yung tipong hindi ka na makuntento.

Ganyan ba ang dala ng paglaki mo?

Pati magulang mo, sinasagot mo?

Pati Diyos kinakalimutan mo?

Ganyan ba? Ganyan ba ang dulot ng pagsasarili mo?

Ninais mong lumipad ng pagkataas- taas,

Ni hindi mn lang tumingala at nagpasalamat,

At bigla bigla nalugmok ka sa mga pagkakamali mo,

Pinilit bumangon at tumayong muli at tawag tawag ang mga kaibigang kasama mo sa saya,

Pero ni isa ay walang nagpakita.

Naalala mo Siya, Siya na laging nandiyan para sayo kahit matagal mo na siyang kinalimutan. Humingi ka ng kapatawaran at gabay,

Saka mo nakita ang tunay na kahulugan ng buhay.

Sa Dapit hapon, tanaw mo na ang sikat ng araw na papalubog na

Sikat na gustuhin mo mang makita pa,

Ay hindi na pwede dahil ang araw ay patapos na,

Masaya kang lilisan na dala ang mga ala ala, malungkot man o masaya,

mga aral na binigay sayo ng buhay,

Na ang pagmamadali sa mga bagay,

Ay nagdudulot ng pagkakamali at lumbay,

Na ang lahat ay may katapusan,

Pati ang buhay mo,

Na hindi nababawasan ang pagkatao mo, dahil lang sa mga pagkakamali mo,

Na hindi ibig sabihin na nadapa ka,

Ay wala ka ng karapatang bumangon pa.

Dala mo rin ang saya na dulot ng pamilya,

Dala ang gunita na sa Araw ng Buhay, ang paglubog pala ang pinakamaganda.

-FSC-