Are you sure you want to report this content?
Sa pagtanaw ng isang bata sa eskaparate ng lipunan niya,
matapos magpasya, o mapuwersa, o magulat-gising at mapalingon sa
tinabingan ng libang, linlang, lito at kawalang pakialam..
...ito ang kanyang nakita...
Habang humahalakhak
ang HARI,
maybuhat ng trono niya'y may kalyo
ang kamay,
ang mga Kastilyo niya't gusali,
nakapatong sa balikat ng sa papag hihimbing..
sa nasilip ay may bumulong sa kanya...
"Ito ang mundo mo bata.
Ito ba ang bukas mong
pangarap?"
sa saglit-kurap...ang bata ay may iba pang nagagap...
Habang puno ang plato
ng HARI,
umani ng kakanin niya'y
kumakalam ang tiyan.
Palad na nagbungkal sa lupa,
ang siya ring nagpapatulog sa
gutom na mga anak.
ang bulong ay naging boses..
"Ito ang mundo mo bata.
Ito ba ang bukas mong
pangarap?"
iling-yuko-muling pagtingala...luminaw ang larawan...ang ipinipinta ng katotohanan...
Pulubi ang nagluklok
sa Hari.
kapalit ng mga mahika mula sa kanyang labi.
at sa labas ng palasyo niyang ginto,
naghirang sa kanya'y
nabubuhay ng kapos.
katulad ng sinabi ng isang paham,
na pag-aari ng bata ang bagong panahon...
na mata lang niya ang makahahalik sa pisngi ng kinabukasan...
ito sana ang maging tugon ng batang nakamasid...
"Ako'y batang nakikinig...
Ako'y batang nagmamasid..
Ang mundo ninyong pamana...
ay ayokong tanggapin...
Dahil nais ko...
Dapat wala ng Hari,
sa panahon kong daratnan,
Pulubi'y hindi na pangalan,
ng kahit na sino pa man...
Walang kastilyong pasan sa balikat,
walang lubog,
walang nakaka-angat...
ito ang mudo ko dapat..
ito ang bukas kong pinapangarap..
ito ang bukas kong ipaglalaban..."
(The Poem I Will Not Let You Read.) A.k.a. What your best friend doesn't tell you.
01163 Launches
Part of the Poetry collection
Published on August 05, 2017
(1)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.