Hindi ako natatakot na maging anino
Na laging nakasunod sa'yo
Saan ka man makarating
Ngunit natatakot ako
Na kapag dumating ang dilim
At lingunin mo ako sa iyong likod
Wala na ang aninong
Laging nagbabantay
At nakasunod sa'yo.
Hindi ako natatakot na maging anino
Na laging nakasunod sa'yo
Sa araw at gabi
Ngunit natatakot ako
Na kapag lumingon ka at hindi mo 'ko makita
Ay isipin mong iniwan kita
At pinabayaan sa gitna ng pighati
Lagi mo sanang tandaan
Sa araw na mabasa mo itong tulang ito
Ang iyong anino'y laging nasa tabi mo
Sa araw man at gabi
Sa liwanag at dilim
Hahagkan at sasamahan kita
Saan ka man magpunta.