Are you sure you want to report this content?
Illustration by @luciesalgado
Sa simpleng "Hi" lang nagsimula ang lahat, hindi ko naman alam ang sasabihin kaya ako'y napa smiley nalang. Napagsabihan mo pa akong mataray sabay sabing "joke lang." ginantihan kana nga ng "hello" akala mo napilitan pa. Doon na nagsimula ang mga araw na masasaya, araw araw mo akong kinakausap at kinakamusta. Palagi kang nag-aabang sa labas ng aming silid at palaging nakatunghay. Hanggang umabot sa puntong ika'y nahulog na.. Di ko naman alam ang gagawin kaya't hinayaan ka nalang.
Sa mga sumunod na pag-uusap ako ay naiilang na, pag nakikita ka sa koridor, di man lang kita matingnan. Hindi ko man lang naisip na ikaw'y nasasaktan na. Sakin ka nakaramdan ng kalamigan, salamat sa iyong pasensyang may kahabaan.
Pagkatapos ng ilang araw ay aking napag isip isip na "mahirap din pala." mahirap iwasan ang taong alam mong mahalaga na. Kaya dumating sa puntong napagdesisyonan ko na, buo na ang loob kong babalikan kita. Babalikan na kita at di na muling papakawalan pa.
Ngunit huli na ba ang lahat?
Pansin kong hindi ka masaya sa pagbabalik ko, hindi kana natutuwa sa presensya ko. Lumamig nadin pati pakikitungo mo at alam ko na...
"Wala na akong puwang diyan sa puso mo. Tama ba?"
oo tama nga siguro, dala lamang yan ng iyong hinanakit sa ginawa kong pagbitaw. Kahit huli na ang lahat gusto ko lang malaman mo Ginoo, ngayon ko lang to naisipan. Mahal na pala kita at di ko na naagapan. Kung alam ko lang na magkakaganito ako sana hindi ko na pinigilan, sana naging masaya nalang ako sa ating dalawa noong una pa lamang. Ngunit iba na ngayon, siguro ay wala na akong magagawa sa katigasan ng iyong puso. Kaya mas mabuti sigurong lumayo na ako sayo para naman makalimot. Nakakalungkot isipin, pero alam kong yan ang mas ikatutuwa mo.
Lumipas ang isang taon ngunit wala paring pinagbago. Tapat parin ang nararamdaman ko buo at solido. Di ko nga alam kung anong ginawa mo, siguro'y ginayuma mo ako. Di ko kasi maintindihan kung bakit ikaw parin ang aking gusto.
Pinipiga sa sakit ang puso ko nang malaman kong may iba na. Iba na ang inaalayan mo ng mga mabubulaklak mong mga salita, iba na ang sinasabihan mo ng "magandang umaga." sa mga araw kong may lumbay, di ko matanggap na iba na. Iba na ang laman ng puso mo at ina araw arawan ng "mahal kita."
Pinilit kong maging masaya, masaya akong nakikitang kang masaya kapiling ang bagong nagpapasaya sayo. Nakalimot kana yata na nandito pa ako. Nandito pa ako na hanggang ngayon ay umaasa parin sayo. Pinanghahawakan ang mga paniniwalang magkakaroon ng "ikaw at ako." Umaasang ikaw naman ang babalik at yayakapin ako ng buong higpit, tila ba ayaw nang pakawalan pa.
Pero napapansin kong nakakapagod din pala, Nakakapagod mag isip ng mga bagay na hindi naman dapat isipin, Nakakapagod matakot sa bagay na hindi naman dapat katakutan, Nakakapagod maghintay sa wala.
Nakakapagod Umasa.
Nakakapagod ang masaktan.
Nakakapagod magmahal,
Nakakapagod ang malungkot,
Nakakapagod ang umiyak .
Nakakapagod na, pero bakit pinagpapatuloy ko pa? di ko alam pero parang may hinihintay akong mga salita. Mga salitang makakapagtapos sa lahat. Ang mga salitang "Di na kita mahal." para matigil ko na. Sabihin mong di na ako mahalaga para ako'y makapagpahinga na.
Parang awa mo na,mas nakakapagod mag hintay sa parang meron pero alaws pala.
Alam kong mas kailangan ng mga anak na babae ang pag gabay ng mga tatay nila pero bakit iba si papa?
0060 Launches
Part of the Love collection
Updated on May 23, 2017
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.