Launchorasince 2014
← Stories

Apat

Apat na segundo na tila ako'y nautal

Hindi mawari kung saan sasandal

Ang pusong naliligaw sa kung saan

Hindi alam kung ano ang patutunguhan


Pinangako ko sa araw na ito

Isinumpa ko sa buwang nakatago

Na ibabaon ko ang kahapong bigo

Lalaya ka't, makakalimot ako


Ngunit bakit mo nga ba pinaglalaruan

Ang puso kong nahihirapan

Damdaming pinipilit kong ibaon sa kasalukuyan

Muli mong binubuhay sa ating nakaraan


Apat na hakbang lang naman sana

Bakit hindi ko parin magawa

Patuloy parin akong umaasa

Sa mapaglinlang mong mga yakap sinta


Nalunod ako sa akala kong tunay na pag-ibig mo

Nalunod ako sa sakit na pinadama mo

Nalunod ako sa katotohanan ko

Na magkaiba sa akin at sa kanya ang mga yakap at pagmamahal mo