launchora_img

OO, Iniwan Kita

Info

Hindi ko alam kung ni minsan ba ay naitanong kung bakit iniwan kita.

Naitanong mo ba?

At ngayong wala na ako sa buhay mo, itinatanong mo ba?

Siguro nga hindi na.

Dahil bakit mo pa nga ba itatanong diba? Ang itanong nga sa akin kung masaya pa ba ako o okay pa ba tayo ay hindi mo ginawa, ang pagsuko ko pa kaya?

God knows that I did everything in my power just to convince myself na kaya ko pa.

Noong mga panahong kinukumusta kita at nagagalit ka, okay lang. Wala lang yun.

Noong mga oras na namimiss kita kaya tinatawagan kita pero hindi mo sinasagot, okay lang. Wala lang yun.

Noong mga oras na sinasabi mo sa akin na walang signal sa inyo pero nahuhuli ka nang kaibigan ko na online sa social media accounts mo, oo. Wala lang yun.

Alam mo kung bakit?

Dahil pinili ko na intindihin ka kesa intindihin ang nadudurog kong puso dahil baka nga naman may tamang rason kung bakit mo ako pinagtutulakan palayo at kung bakit hindi ka na nagpaparamdam sa akin.

Pinili kong gawing dahilan ang pagmamahal ko sayo para manatili sa relasyong iniiyakan ko gabi gabi.

Pinili kong bigyan ka nang pagkakataong makabawi sa akin dahil sa pag-aakala kong magbabago ka pa at dahil sa pinanghahawakan ko ang mga pangako mong “this time, magiging better man na ako sayo”.

Sa loob nang isang buwan ay hindi ka nagparamdam at tila minumulto akong mag-isa nang mga naiwang alaala nating dalawa at binabangungot ako nang mga tanong na “nasaan ka”, “kumusta ka na”, at “ako pa ba?”


Walang gabi na hindi ako binabagabag nang takot na baka katulad nang dati, malaman ko nalang sa iba na may iba ka na. Binalot ako nang takot na baka sa mga oras na hindi mo ako kinakausap sa hindi ko malamang dahilan, ay ginamit mo para makipaglandian sa iba at ipagpalit na ako na para bang laruan na kapag ayaw mo na, sa iba ka na naman magkakandarapa. Natakot ako na baka ulitin mo ang pagtapon mo sa relasyon natin na para bang basura, at ako?


Ako yung maiiwan sa ere nang mag-isa. Wasak. Luhaan. Lito. Ni halos hindi alam kung saan ang dapat kong puntahan at hindi ko malaman kung paano ko ulit sisimulan ang pagbuo sa sarili ko na MULI ay winasak mo.

Three years ago. Nung ginawa mo to, para akong tangang naghintay parin nang dalawang taon para sayo. Pero pagkatapos nang dalawang masasakit na taon na yun ay sinabi ko sa sarili ko na ”Kailangan ko nang mabuong mag-isa at tanggapin na wala ka na. Wala ka na, wala na tayo, wala nang tayong dalawa”.

At pagkatapos nang tatlong taon ay nagawa ko nang buoin ang sarili ko. Nagawa ko nang tumayo sa sarili kong mga paa. Nagawa ko nang magsulat ulit at magbigay nang payo sa mga taong nahihirapan at nagluluksa sa mga patay nilang buhay at pag-ibig. Naging pag-asa ako nang mga taong nakilala ko dahil ika nga, “I survived the tragedy of love that almost killed me, literally”. Dahil ilang beses ko ring sinubukang mawala magmula nung nawala ka.

Napakaraming tanong nang “bakit nga ba biglang nagbago”. At yun yung mga tanong na hindi ko magawang sagutin dahil hindi mo naman ipinaliwanag sa akin. Mga tanong na ayaw mong tinatanong ko dahil sabi mo sumasakit lang ang ulo mo sa kadramahan ko.

Pero, masisisi mo nga ba ako? Masisisi mo nga ba ako kung nagtatanong ako nang ganito dahil bigla ka na lamang nanlamig sa pakikitungo mo sa akin, at sa tuwing sinusubukan kong pagtagpuin ang mga landas natin kasi nga LDR tayo ay nagagalit ka dahil sabi mo, “ayoko lang makita ka dahil baka pagsawaan kita”.

Pero mahal, patawad. Pasensya ka na. Pasensya na talaga kung sa pagkakataong ito ay ako na mismo ang sumusuko. Ako na ang unang lalayo. Ako na ang bibitaw sa mga pangako. Simula palang, sinabihan na kita. Nagpakatanga ako sayo nang dalawang taon noon. Kaya wag kang aasa na parehong tanga ang AKO ngayon. Ito na ang huling pagkakataong binigay ko sayo dahil sabi mo nga, “mahal kita and I want to make it better this time”. Maniwala ka sakin, sa pagkakamali mo dati, pinatawad kita. Pinatawad na kita. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na sapat ang pinatawad kita dahil mahal kita. Dahil kung talagang mahal mo ako? Magbabago ka. Pero wala. Inulit mo lang ang parehong pagkakamali mo noon. Inulit mo lang ang rason kung bakit ako nawala sayo noon.

Kaya this time, sarili ko naman ang pinipili ko. Dahil pasensya ka na at sa tatlong taon na iniwan mo akong mag-isa ay natutunan ko nang mas mahalin ang sarili ko. Siguro nga tama si mama, na hindi lahat nang nagbabalik ay meant to stay. Minsan, binabalik sila satin para masubukan kung totoo nga bang minahal na natin ang sarili natin o hindi pa. At siguro nga, ipinahiram lang ako ni God sa’yo para makita mo na may tao pa palang pwedeng magmahal sa iyo nang totoo kahit hindi mo kayang mahalin ang sarili mo.

Thank you for the years of friendship and love. Whether it was true or not until the end, believe me when I say na minsan, I felt that you really loved me in the best of your ability. Pero hanggang doon nalang yun. Hanggang dito nalang tayo.

Dahil pagod na ako. Ako naman ha? Sana wag kang magalit na pinipili ko ang sarili ko. Dahil sa loob nang limang taon ay pinili kita. Pinili ko ang tayo.

Pero salamat narin. Dahil sa pag-alis mo ay napagtanto ko na okay lang pala na iniwan mo ako. Okay lang pala na mag-isa mo akong hinayaan sa alapaap na ito.

Dahil sa pag-alis mo, mas nahanap ko ang sarili ko. Mas nakayang mabuo at maging masaya nang di umaasa sa iba. Mas nakita ko kung sino ang mga tunay na nagmamahal sa kin. When you got me lost me in the clouds, HE FOUND ME IN THE HEAVENS.

Hanggang dito nalang tayo.

Minahal kita. Tandaan mo yan.

Pero hanggang “minahal” na lamang yan. Hindi na madudugtungan dahil tuloy na ang pamamaalam.


4 Launchers recommend this story
launchora_img
launchora_imgLaunchora User
4 years ago
Hello i am miss brenda i have private disscusion with you via at(piesbrenda106@gmail.com)
launchora_imgeuphemia clyne
4 years ago
Andito lang si ate alam mo naman yon di ba?
launchora_imgViolet Violet
4 years ago
Opo ate. Yun yung pinagpapasalamat ko. Hindi mo ako kailanman iniwan...
More stories by Violet
Disguised

When they don't need anything from you, they'll ignore you like the wind.

30
2 0 1 9

New year, same life, different circumstances.

33
Dahil Pinakawalan Kita

Minsan kitang pinakawalan dahil sa mga rasong pinagsisihan ko rin lang.

42

Stay connected to your stories

OO, Iniwan Kita

148 Launches

Part of the Happenings collection

Updated on October 14, 2019

Recommended By

(4)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.