Are you sure you want to report this content?
Minsan akong humiling na sana ganito at ganyan
Minsan din akong naniwala na ito'y mpakikinggan.
Di ako nwawalan ng pag asa kahit parang wala
naman akong maasahan,
Tinanggap ko ng buo anuman ang pait na aking
nararanasan,
Sinanay ang sarili na ang dating hiling ay dina matutupad
Makuntento sa kung san man ang paa ay mapadpad
Natutong pumikit tuwing ako'y minamata
Tinatawanan ang sakit kahit parang hindi ko na
Kayang lunukin ang lahat ng binabato
Kahit halos dina makahinga sa mga barang kumakalso
Nabusog sa panghuhusga at halos maimpacho
Kaya kht anung ganda ng mundo dina ko naeenganyo
Sa mga panahon na ang buhay ko ay di kawalan
Sa kahit na sino man, andyan man ako oh wala ay
parang parehas lang naman.
Dinako kumawala sa gitna ng kawalan
Snubukan kong tumakas sa sakit ng totoo,
At npilitang bumuo ng sariling mundo ko.
Kasabay ng paglamon sakin ng dilim ang bigla
mong pagdating,
Biglang bangon ng dating ako mula sa
pagkakahimbing
Ibinalik ang alaalang naibaon ko na sa limot
Ginamot ang sugat na di kinaya ng hilot
At dahan dahan ang lahat ay naghilom
Sa kinasanayang unos mayron palang silong
Ako'y kumapit kahit tila wla kong mkapitan
Bigla akong npa awit ng ako'y iyong nilapitan
Pinaalala kung ano ang dating ako
Bnigyang buhay ang puso na naging bato
Ikaw pala ang matagal kong hinintay
Dahil sayo ayoko ng mga paa ko ay magpantay
Gusto kong mabuhay ng matagal pra lang
titigan ka,
Sa mundong ito ayoko munang lumisan pa.
Kahit nasa huli man ang pagsisissi,
May umaga parin pagtapos nang gabi.
47 Launches
Part of the Love collection
Updated on November 14, 2020
(2)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.