Darating ka sa yugto ng buhay mo,
Kung saan kakausapin mo ang sarili mo,
At seryuso mong itatanong,
Ang mga sumusunod na bakit.
Bakit mo pinabayaang madurog ka?
Bakit mo hinayaang saktan ka lang nila?
Bakit ka sa umasa sa wala?
Bakit ka tanga at ang bilis mong magtiwala?
Bakit hindi mo nahalata?
Bkit hindi ka naghinala?
Bakit ka nagpabaya?
Bakit ka ba lumuluha?
Bakit mo hinayaan iwanan ka?
Bakit hindi mo nakitang may iba na?
Bakit ka nanalig sa pangako niya?
Bakit ba hindi ka magtanda?
Paulit ulit na lang tayo.
Lagi na lang bang tila bago?
Hindi ito ang unang pagkabigo.
Hindi ka ba talaga matututo?
Bakit?