Are you sure you want to report this content?
Sa bawat pagpatak ng ulan,
Ikaw ang nasa isipan.
Sa bawat araw na dumaraan,
Nahuhulog pa lalo sa’yo nang tuluyan.
Madalas na winawari kung bakit
Ang mundo’y puro pait at pasakit
Ngunit nang ika’y naging akin,
Tila nag iba ang ihip ng hangin.
Bukod sa itim at puti’y naging makulay ang aking mundo,
Nagkaroon ng pula, asul at iba pa dahil sa iyo mahal ko,
Para bang ika’y nagmistulang bahaghari
Na nagbibigay kulay sa mundo ko palagi.
Ika’y nariyan sa bawat kasiyahan,
Karamay rin lalo na sa kalungkutan
Kailanman ako’y hindi iniwan,
Bawat araw ako ay inaalagaan.
Hindi ko alam kung bakit sobrang swerte ko,
Dahil ibinigay ka sa akin mahal ko.
Sa buhay ko’y ikaw ang pinakamagandang biyaya,
Habangbuhay sayo ako’y sasaya.
Araw araw ika’y pipiliin
Dahil ang pagpili sayo’y kasiyahan ko na rin.
Kapag nawala ka’y baka hindi ko kayanin,
Kaya’t hindi hahayaang iyon ay sapitin.
Aking bahaghari, salamat sa iyo,
Di lamang sa mga bagay na nagagawa at naibibigay mo,
Kundi salamat sa iyo,
at sa iyong buong pagkatao.
Araw araw pa nating kulayan ang mundo mahal ko..
Habang hawak mo ang kamay ko’t hawak ko ang iyo..
54 Launches
Part of the Poetry collection
Published on September 09, 2019
(1)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.