Are you sure you want to report this content?
Illustration by @luciesalgado
Ang sabi ko hindi na ako iiyak,
Ngunit bakit may mga luhang pumapatak,
Na hindi mapigilang hindi bumagsak,
Sa kanilang matatamis na paghalakhak?
Ang sabi ko ako’y maayos na,
Ngunit bakit nagudurugo pa,
Ang mga sugat na likha niya,
Mula sa katotohanang masaya na siya sa iba?
Akala ko nakalimutan ko na,
Pero bakit hanggang ngayon ay nagbabalik pa,
Ang mga nakaraan sa pagitan naming dalawa,
Na hindi na kailanman ay di na makakamtan pa?
Bakit sa bawat pagkinang ng kanyang mga mata,
Habang hawak ang kamay ng taong mahal niya,
May tumatarak sa puso ko at nagsasabing,
“Tapos na ang istorya ninyong dalawa.”?
Ang sabi ko magiging masaya ako para sa kanya,
Ngunit bakit hanggang ngayon ako’y lumuluha pa,
Bakit hindi ko magawang maging masaya,
Sa istoryang para lamang sa kanilang dalawa?
Hanggang kailan ako magiging ganito?
Hanggang saan ang makakaya ko,
Sa pagpapanggap at pagtatago ng damdamin ko,
Mula sa sakit na idinulot ng taong mahal ko?
Mananatiling ala-ala ang lahat,
Pangarap na mahagkan kang muli,
Pagkat sa istoryang Kanyang isinulat,
Hindi tayo para sa isa’t isa sa huli.
15 Launches
Part of the Poetry collection
Updated on February 04, 2017
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.