Are you sure you want to report this content?
Illustration by @luciesalgado
Bakit ba mahal kita?
Bakit ba di ko magawang iwanan ka?
Kahit anong kasalanan ang gawin
Bakit kaya parin patawarin?
Ginawa ko naman lahat
Di ako nagkulang, lahat ay sapat
Sayo ay naging tapat
Pero kapalit ay luha at sugat
Sugat na hindi na gagaling
Na sayo mismo nang galing
Sugat na sobrang sakit at hapdi
Walang kapantay sa tindi
Masaya naman tayo nung una
Away na lumagpas pa ng isang dosena
Pero nung nagtagal, relasyon ay humina
Bakit di na ako ang iyong inuuna?
Iniintindi ko
Kahit gaano man kahirap
Pero paano naman ako?
Sino iintindi sa buhay kong maulap?
Pinangako mo na hindi sasaktan
Pero ano, sugatan at luhaan
Pero eto parin, lumalaban
Kahit alam kong yung 'tayo' ay wala ng aasahan
Mahirap kang limutin
Pero madali kang mahalin
Ano man ang sabihin
Ika'y parin tatanggapin
Kung ika'y man babalik sa dati
Siguraduhin mong sa piling mo uli ako ngingiti
At puso na hindi na uli mahahati
Dahil sa lahat, iyon ay mas nakabubuti
Kahit ganito tayo
Kahit sobrang malayo
Kahit sobrang labo
Ikaw parin ang pipiliin ko
Dahil wala na kong mahahanap na katulad mo
Pero tama na muna
Dahil ang utak ay puro "sana"
Ayoko na umasa
Sa ikaw at ako na istorya
Nung ako'y nawala
Pakiramdam ko ika'y lumigaya
Dahil nabawasan ang bigat na iyong dala
Mahal kita sinta ko
Ipapahinga ko muna pero hindi ako susuko
Sana maalala mo
Yung mga pangako mo na malapit ng mapako
Salamat sa lahat..
68 Launches
Part of the Poetry collection
Updated on May 25, 2017
(2)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.