Are you sure you want to report this content?
Illustration by @luciesalgado
Nakakatuwang isipin na nagsimula tayo sa isang banggaan
banggaan ng puso
kung saan ko unang natamo
na masaya pala
Masaya pala pagmasdan ang mga mata mo
yung titigan ang pagngiti mo
yung pakinggan ang pagtawa mo
nakakatuwang isipin na nagsimula tayo sa isang banggaan
banggaan ng tunay na nararamdaman
kung saan aminado ako
na nahulog na ako
lintik na kupido to’
hanggang ang munting banggaan
napunta sa isang pagkakaibigan
nakilala kita at nakilala mo ko aminado ako
eto, eto yung gusto ko yung mapalapit sayo
yung tipong sakin, sa akin lang iikot yang mundo mo
kase una palang inaamin ko na ikaw na ang uniberso ko
nakakatuwa na umabot tayo sa puntong maal mo ako at mahal na mahal kita
yung nakangiti ka sat wing tayo’y magkikita
yung nalalabanan pa natin lahat ng nagtatangkang sumira
yung ako at ikaw ay may tiwala
tiwala. tiwala. ti…
tila wala. tila wala na.
ano yun? bakit gano’n
bakit isang araw pag gising ko
ibang pangalan na sinisigaw mo
ano yun? bakit gano’n
lahat ng oras na dapat sa aki’y tila wala na
saan napunta?
hahahaha. tangina
bakit parang pakiramdamam ko pinaglalaruan ako ni kupido
tanginang kupido to.
gago.
anong mali ko?
ang ipaglaban yung laban na sinimulan natin magkasama?
o ang kumapit ako sa lubid ng pagibig na tila ikaw mismo bumibitaw na
o sa pagmamahal mo?
o sa pangako mo?
ay oo nga pala, wala na palang tayo.
tapos ako eto iniwan mong parang tanga dito.
nakakatuwang isipin na nagsimula tayo sa isang banggaan
at matatapos din tayo sa isang banggaan din
banggaan ng puso
banggaan ng pusong nagngangalit
kung bakit mo ko pinagpalit
banggaan ng pusong nagsusumamo
kung bakit mo ko iniwan na durog na durog dito
banggaan hanggang sa mawalan na ng pag asa.
mukha ngang ayaw mo na
mukha ngang sawa kana
saan?
sa oras na ibinibigay ko sayop?
sa pagmamahal na umaapaw para sayo?
sa pagpapatawad na walang iba kundi para lamang sayo.
pero wala e. ayaw mo na.
iniwan mo ko dito
dito kung saan tayo unang nagkita
kungsaan una tayong nagbanggaan
iniwan mo 'ko dito
parang gago.
pero eto, parin ako
nagpapakatanga para sayo.
30 Launches
Part of the Poetry collection
Updated on March 30, 2017
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.